May 25, 2025
Janice de Belen posts an Instagram quote as her answer to the issue linking her to Gerald Anderson
Latest Articles

Janice de Belen posts an Instagram quote as her answer to the issue linking her to Gerald Anderson

Apr 23, 2015

by PSR News Bureau

Patuloy na nananahimik ang aktres na si Janice de Belen sa issue ng pagkaka-link sa kanya kay Gerald Anderson. Ngunit isang makahulugang quote ang inilagay niya bilang post sa kanyang personal na Instagram account noong April 21.

janice

Ang nasabing post ng aktres ang posibleng reaksiyon niya sa paglabas ng issue na may namamagitan diumano na relasyon sa pagitan nila ni Gerald Anderson. Nagkatrabaho ang dalawa sa isang teleserye na pinamagatang “Budoy” noong taong 2011 at ginampanan ni Janice ang papel ng ina ni Gerald sa nasabing serye. Dito rin nabuo ang magandang pagkakaibigan ng dalawa at dahilan nga dito’y nabigyan ng kakaibang-kulay ng ibang tao ang kanilang naging samahan. Dati na nila itong itinanggi. Pero matapos ngang kumpirmahin ni Gerald na hiwalay na sila ni Maja Salvador ay biglang nabuhay na naman ang nasabing issue. Tinuturo nga na si Janice diumano ang third party diumano sa naging breakup nina Gerald at Maja.

Mas ginusto ni Janice na manahimik at hindi patulan ang nasabing issue. Pero bilang tao, nasasaktan rin ang 46-year-old na aktres sa muling paglabas ng issue na may namamagitan diumano sa kanila ng 26-year-old na actor. Kaya’t nagawa ni Janice na mag-post ng quote sa kanyang Instagram account bilang sagot sa akusasyong pagiging third party umano niya. Aniya, “Rumors are carried by haters, spread by flood and accepted by idiots.” Sa comments section ay pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga tagasubaybay sa mga ginagawang pagtatanggol nito para sa kanya mula sa mapanirang akusasyon.

Leave a comment

Leave a Reply