May 24, 2025
Aicelle Santos dreams of making it big in Broadway
Latest Articles Music

Aicelle Santos dreams of making it big in Broadway

Apr 24, 2015

by John Fontanilla

Bukod sa pag-awit ay gusto ding makilala ni Sunday All Stars Mainstay na si Aicelle Santos sa larangan ng pag arte. Kuwento nga nito sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph) kamakailan, “I’m praying for more acting jobs, lalo na’t enjoy ko na rin naman yung ginagawa kong pag- arte sa mga teleserye. Pero I know naman na ang kaakibat nito ay ang pagdaan sa matinding acting workshops. Hindi naman puwedeng gusto mo (umarte) pero hindi ka gumagawa ng paraan para maging mahusay kang umarte. Kaya kailangan talaga ng acting workshops at yan ang kailangan kong gawin.”

Marami daw roles na gustong subukan ni Aicelle na ayon sa kanya hanggad niya na magawa niya baling araw. “Gusto kong maging sobrang kontrabida, kasi kapag kontrabida ka parang nakaka-challenge. Gusto ko rin yung imbes na full dialogue, kinakanta mo yung mga lines, yung musical. Hopefully, maibigay sa akin yung mga proyekto at roles na interesado ako.”

Binigyang linaw rin ni Aicelle ang balitang lumipat na siya ng management. “Yes, I’m part of Stages now and of course, GMA Artist Center. Co-manage sila sa akin. Yung dalawang management ang bahalang mag-plano para sa career ko. Ngayon pa lang, excited na ako. I’m happy because so many things are coming my way like yung solo concert ko, yung single ko at marami pang iba.”

Nang matanong ang dalaga tungkol sa love life nito. “Wala po, career muna tayo. Alam ko naman darating din iyan in time. Siguro kapag handa na ako at natagpuan ko na siya, saka na lang.”

May nagpaparamdam ba?

“Hindi ko alam kung manhid ako o wala lang talaga. Hindi ko kasi alam kung nagpapa-cute ba sila o nagpapaka-sweet dahil gusto nila ako o sadyang friendly lang sila. Mahirap kasi, ayokong mag-assume kasi baka hindi naman ganun yung gusto nilang iparating na mensahe at akala ko lang.”

“Let’s see if ever merong maglalakas ng loob at sure na ako na gusto niya ako, hindi ko naman isisikreto,” sabay tawa pa ni Aicelle.

Ano pa bang mga bagay ang gusto niyang ma-achieve?

“Gusto ko lang pag tumanda na ako, may maiiwan akong mensahe sa mga tao. As an OPM artist, kahit isang hit song na yung kanta ko, kakantahin pa rin nila kahit matanda na ako or mawala na ako, patuloy pa rin akong magiging buhay sa alaala nila dahil sa awitin ko na maaari pa ring awitin ng ibang henerasyon.”

“Yung masasabi nila na, ‘that’s Aicelle Santos’ song,’ yung ganung tipo.”

Tulad ng ibang talents, Aicelle is also dreaming of making it in Broadway. “Siguro kung magkakaroon ng opportunity, why not? Pero right now, happy naman ako kahit narito ako sa Pilipinas dahil marami naman akong ginagawa. Pero siyempre, dream ko din naman na makapag-perform at maka-penetrate sa Broadway.”

Leave a comment