
“I’ve transferred here at GMA because I’m sick and tired of pressure. I just want a relaxed environment because I believe I’ve got nothing more to prove. All I want is a happy working ambiance and positivity.” – Ai Ai Delas Alas
First show ng nagbabalik at pinakabagong Kapuso star na si Ms. Ai Ai delas Alas, ang tinaguriang Philippine Comedy Queen ang seryeng ‘Let The Love Begin’ sa GMA 7 at sa presscon nito kagabi ay ‘pasabog’ agad ang dating ng aktres sa bakuran ng kanyang bagong tahanan.
Suot nito ang outfit na gawa ng isang isang international designer na gumagawa rin daw kina Britney Spears, Lady Gaga at Angelina Joli na ala-Khaleesi Daenerys Targaryen sa “Game of Thrones,” bonggang-bongga talaga si Ai Ai.
“Wala lang, makapagpaandar lang, kaya thank you sa gumawa ng outfit ko at binigyan niya ako ng pagkakataong makapagsuot ng pang-Hollywood outfit, di ba?,” sabi ni Ai Ai matapos maipakilala sa stage ang buong cast ng Let The Love Begin na pagbibidahan ng loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Kasama rin sa cast sina Gladys Reyes, Donita Rose, Neil Ryan Sese, Mark Anthony Fernandez, Ms. Gina Pareno, Noel Trinidad, Phytos Ramirez, Abel Estanislao, Rita Daniela, Nomer Lumatog, at AR Angel Aviles. Mapapanood ito simula May 4 pagkatapos ng Pari Koy sa GMA Telebabad.
Ang role ni Ai Ai dito ay isang DJ na si Jeni a.k.a. DJ Bebe-Yonce at love partner niya si Gardo Versoza.
“Super happy ako and feeling blessed sa lahat ng nangyayari sa’kin ngayon. Bonggang-bongga ang welcome sa akin ng GMA kaya naiyak talaga ako sa saya. At itong ‘Let the Love Begin,’ naiiba kasi ngayon lang ipapakita ang mundo ng radio sa isang teleserye. Happy akong makapareha si Gardo kasi hindi ko naman siya nakasama noong araw kasi sa Seiko siya, di ba? ‘Machete’ siya. Friends kami ni Gardo ever since.”
“At si Gina Alajar, first time akong nai-direk, napakagaling pala niya. Akala ko, magaling lang siyang aktres, pero hindi, marami siyang itinuro sa’kin na akala ko, hindi ko magagawa. Noong pinagagawa nga niya sa’kin, sabi ko, E, direk, hindi naman ako isang Gina Alajar, hindi ko kaya yan. Pero in-explain niya sa’kin, makakaya mo yan, at nagawa ko nga. Doon ko na-realize na marami pa pala akong hindi alam sa acting. Ngayon lang kasi ako nai-direk ng isang director na kilala rin bilang award-winning actress,” kuwento pa ni Ai Ai.
Isa rin sa dahilan kung bakit sobrang saya ni Ai Ai sa seryeng ito ay dahil nagkasama sila sa isang show ng kanyang anak na nag-aartista na rin si Sancho delas Alas.
“Happy talaga ako dahil nakasama ko si Sancho, dream kasi niya talaga ang magkasama kami, dream din niya na mag-artista.”
Biro tuloy ng press, hindi kaya package deal silang mag-ina?
“Hindi naman, pero kahit package, bakit ba, gagawin ko ang lahat! Siyempre bilang nanay gagawin ko ang lahat,”pagbibiro pa ng aktres.
Dagdag pa niya “Supposedly sa Half Sisters unang isasama si Sancho at nagulat nga ako kasi akala ko, sa ‘Magpakailanman’ kami unang pagsasamahin. ‘Yun pala, isasama siya rito. Pero hindi kami magkaeksena, kasi si Gladys Reyes na rival ko rito ang kasama niya. Support lang siya, pero sabi ko nga, gusto ko, matuto talaga siya from scratch kasi sa ganun din ako nagsimula. Para malaman niya kung gaano kahirap ang mag-artista. Kanina, 5 AM na umuwi ng bahay. Sabi ko, ano, akala mo madali, ha?”
Kamusta naman si Ruru bilang anak niya sa serye?
“Impressed ako. Magaling umarte. 17 pa lang daw, pero ang daming pinaghuhugutan. Kasi naman, si Direk Maryo de los Reyes ang manager kaya siguro hasang-hasa na.”
Samantala, kinamusta rin kay Ms. Ai Ai ang pagtatrabaho niya ngayon sa GMA, nanibago ba siya?
“Hindi naman, kasi si Ms. Gina, nakasama ko siya bilang artista at ngayon direktor ko naman siya, magaling talaga siya, sobrang happy dito.”
Naitanong din kay Ai Ai kung bakit lagi siyang emotional tuwing wine-welcome siya sa Kapuso network gaya kanina?
“Kasi sa edad ko ngayon, alam mo ‘yung kahit hindi ako bagets, hindi ako loveteam, binibigyan ako ng importansiya ng istasyon, binibigyan ako ng magandang welcome. Napaka-blessed ko dahil nararanasan ko pa ‘yun at my age.”
Na-miss mo ba ‘yung importansiyang ganoon?
“Oo, medyo na-miss ko naman, pero ganu’n talaga ang buhay, ups and downs, minsan talagang nasa ibaba, minsan nasa itaas, umiikot naman ang mundo eh. Parati kong sinasabi sa mga interviews ko, being in show business and itong pagiging artista ng isang tao ay bigay ng Diyos, ang ating talent ay bigay ng Diyos, Siya lang ang puwedeng kumuha at Siya lang ang puwedeng magbalik nun,”paliwanag ni Ai Ai.
Pero may pressure ba siyang nararamdaman ngayon sa paglipat niya dito sa Kapuso network?
“Hindi naman, wala na akong pressure, isa ‘yan sa reason kung bakit ako lumipat dito eh, gusto ko ng relax, chill lang, kumbaga, modesty aside, ayoko nang may patunayan, eto na ‘yun. Gusto ko na lang ng happy working ambiance and positive. No to negatrons tayo, hashtag no to negatrons!,” diin pa ni Ai Ai.
Huling tanong sa kanya ay kung may na-miss ba siyang kaibigan sa kabilang istasyon?
“Si Vice Ganda, nami-miss ko. Kasi yung last guesting ko sa ‘Showtime,’ niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit at sabi sa’kin, ‘mahal kita dahil Ate kita.’ Tapos ngayon, tinext niya ko to congratulate me. Na-appreciate ko ‘yun,” wakas ni Ai Ai sa interview.