May 23, 2025
John Estrada reacts on Janice’s alleged cause of Gerald-Maja break up; discusses possibility of transfer quoting, “trabaho lang, walang personalan”
Latest Articles

John Estrada reacts on Janice’s alleged cause of Gerald-Maja break up; discusses possibility of transfer quoting, “trabaho lang, walang personalan”

Apr 25, 2015

mildred@bacud
by Mildred Amistad Bacud

Hindi na namin pinalagpas ang pagkakataong kunan ng reaksyon si John Estrada tungkol sa isyu ng pagkaka-link ng dating asawa na si Janice de Belen sa aktor na si Gerald Anderson. Bumisita ang aktor sa first year anniversary ng programang “Wow It’s Showbiz sa Radyo Inquirer kahapon April 24. Ano nga ba ang komento niya sa nasabing isyu at aware ba siya tungkol dito?

John Estrada photo joey austria
Photo grab from Fernan de Guzman FB page

“Nagulat ako. May kaibigan, barkada ‘kong nagkwento sa akin. Sabi niya ‘Pards, natsi-tsismis si Janice kay Gerald Anderson.’ Sabi ko ‘ha?’, ang bata ni Gerald ha at may girlfriend siya. Sinabi ng barkada ko si Janice nga daw ang dahilan. Sabi ko ha?’ Personally hindi ako makapaniwala. Huwag nila ako mamasain, ako naman kung sino man ang mamahalin ni Janice, I’ll be the happiest.”Janice Maja Gerald

Sa career niya, after the series ‘Ikaw Lamang’, ay ano na ang next project niya and how true na lilipat na siya ng ibang network?

“Well sa June matatapos yung kontrata ko tapos may serye akong gagawin sa ABS so I guess maiiwan pa rin ako. In such time na sabihin nilang hindi ka na namin kailangan, dun lang tayo gagalaw syempre. Trabaho lang po at walang personalan.”

What if matapos ang kontrata niya sa Dos at wala siyang project, may posibilidad kaya na lumipat siya ng network?

“Nakwento ko dati, wala naman akong problema sa dalawang channel din. Ang sa akin lang syempre may first option is my mother network, ABS-CBN. Ngayon kung medyo sabihin nila na pasensya na wala akong project syempre kailangan din akong magtrabaho dahil marami rin akong anak.”

Masaya nyang kinuwento ang pinakabagong project sa Kapamilya network.

“May ginagawa akong soap-opera ngayon, malapit na po. Hindi ko alam kung pwede kong i-disclose yung title. Mga bata kasama ko, Louise Abuel. Magandang teleserye. From what I know baka June o July.”

Hindi na ba tuloy ang teleseryeng pagsasamahan sana nila ni Judy Ann Santos?

“Hindi na eh. Yung supposedly teleserye naming ni Juday, shelved na so binigyan siya ng iba. Very light ito, kasama niya sina Richard Yap. Maganda rin naman. Hindi na nga natuloy.”

Leave a comment

Leave a Reply