
It’s confirmed! JM De Guzman and Jessy Mendiola are back in each other’s arms
Masaya at maaliwalas ang mukha ni JM De Guzman nang maging guest ito sa ‘Gandang Gabi Vice.’ Umamin na ito na nagkabalikan na sila ni Jessy Mendiola. “Huwag mo akong idi-deny ha, oo.” deklara niya kay Jessy nang tanungin sila ni Vice Ganda. Ayon sa magkasintahan, almost two years din silang naghiwalay ni Jessy at nung April 1 ay sinagot ulit ni Jessy ang binata. Six months daw na nanligaw ulit si JM sa kanya. Mas maikli nga lang daw ito kesa nung una siyang manligaw sa aktres. Unang pagtatagpo nila ay noong August 2014 pa kung saan ay nagjo-jogging sila sa University of the Philippines. Hindi nga raw nakagalaw si JM at nagtago pa siya sa place na kung saan doon nagre-rehearse ng play sa UP nu’ng makita niya ang sasakyan ni Jessy. Paglabas niya akala niya ay wala na, nasa kotse na siya paalis, nakita naman niya si Jessy na nagjo-jogging sa gilid kaya binabaan na niya sa sasakyan at nag-hi and hello sila. Bakit siya nagtago? “Kinabahan ako at saka hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Pero nu’ng magkita kami bigla siyang tumakbo papunta sa van niya. Sabi ko, natakot ba siya sa akin?,” sabi nito. Paliwanag naman ni Jessy ay nagulat siya. Napatunayan din niyang totoo pala na kapag nakita niya ulit ‘yung taong nasa puso niya, akala niya sa movies lang nangyayari pero parang nag-slow mo lahat ang mga nasa paligid.
“Tapos sa kanya na lahat naka-focus ang attention ko, lahat blurly, lahat slow mo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napatakbo ako sa kotse ko,” pagsasalaysay pa ni Jessy. Hindi rin daw niya agad ibinigay ang cellphone number niya kay JM kahit nu’ng sorpresahin niya itong dumalo sa birthday ng actor. Kinakapa pa niya kung sure na siya sa feelings daw niya kay JM. Hanggang si JM na lang daw ang gumawa ng paraan at kinuha niya sa iba ang number ni Jessy. Umamin naman si Jessy na kinilig siya that time.
Umamin din si JM na may niligawan siyang taga-showbiz at na-in love sa iba nung maghiwalay sila ni Jessy pero hindi raw siya sinagot. Tinanong din si Jessy na kung sakaling mangyari ulit ‘yung dahilan ng paghihiwalay nila, makikipag-split ba siya ulit? Kung hindi kami nagkakamali ang pagbibisyo dati ni JM ang isa sa dahilan
“Ang hirap…,” tugon niya. “Hindi na kasi ganoon kalaki yung tiwala ko na hindi na niya uulitin yun,” sambit ni Jessy.