May 28, 2025
Rita Daniela says she doesn’t really mind that Alden Richards has denied her.
Latest Articles

Rita Daniela says she doesn’t really mind that Alden Richards has denied her.

Apr 28, 2015

[three_fourth_last]roldan@castro
by Roldan Castro

Maraming nagpapantasya kay Dennis Trillo. Kamakailan, naging very vocal si Ai Ai Delas Alas na gustong makasama ang actor. Si Rita Daniela (dating Rita De Guzman), dream din niyang makatrabaho si Dennis. Mas gusto niya ang lalaking matured pero nilinaw niyang pagdating sa love ay age doesn’t matter. Inamin niyang bumili agad siya nang lumabas ang album ni Dennis, at tuwang-tuwa raw siya nang makita ang picture ng aktor na may hawak pang gitara.

rita-daniela-copyNang tanungin kung ano ang gagawin kapag nanligaw naman sa kanya ang Kapuso actor, “Oo naman po, agad-agad,” sagot ng dalaga. Unang na-link si Rita sa Kapuso Prince na si Alden Richards. Pero nag-deny si Alden sa kabila ng pag-amin ni Rita na mag-MU sila. Buong ningning namang sinabi ng singer-actress na wala namang nagbago sa samahan nila at pagkakaibigan. “Ganun naman talaga si Alden, honest at sobrang bait talaga. So, feeling ko, hindi naman siya mawawalan talaga ng friends,” sabi ni Rita nang maka-tsikahan siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) para sa kanyang self- titled album under GMA Records.

Hindi raw siya na-hurt kung idinenay siya ni Alden dahil kilala nila ang isa’t isa. Hindi na nila pinag-usapan pa ito dahil nagkaliwanagan na sila. Basta smile na lang sila nung magkita sila at nagyakapan na lang. Ngumiti na lang daw siya nang mabasa niya ang pagtanggi ni Alden. At least, nalaman daw niya kung ano talaga nararamdaman ni Alden para sa kanya. Basta “click” daw sila bilang magkaibigan.

Deadma na rin si Rita sa mga bashers niya na nagsasabing ‘assuming’ siya at ‘feelingera.’ Ang mahalaga raw ay nagkakaintindihan sila ni Alden. Na-realized din daw niya na mas okay silang magkaibigan at hindi magwo-work bilang magksintahan pag niligawan siya nito.

Bukod sa album ni Rita, makakasama rin siya sa bagong serye na “Let The Love Begin” nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Leave a comment

Leave a Reply