
“More than ever, our soon-to-be baby is the best thing that’s ever happened to me.” – Dingdong Dantes
Si Dingdong Dantes ang nanalo sa kategoryang Outstanding Performance By An Actor in A Drama Program sa katatapos na 6th Golden Screen TV Awards. Ito ay para sa mahusay niyang pagganap sa sa serye ng GMA 7 na ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ kung saan nakasama niya sina Lovi Poe at Maricel Soriano.
Ang iba pang nominado rito ay sina Alwyn Uytingco para sa ‘Beki Boxer’ ng TV 5, Coco Martin para sa ‘Ikaw Lamang’ ng ABS CBN, Miguel Tanfelix para sa ‘Nino’ ng GMA 7, Paulo Avelino para sa ‘Sana Bukas Pa Ang Kahapon’ ng ABS-CBN, at Sid Lucero para sa ‘Katipunan’ ng GMA News TV 11.
“Ang sarap ng pakiramdam kapag nabibigyan ka ng recognition para sa trabaho mo,” masiglang sabi nga ni Dingdong nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
“Kumbaga, ito ang mas nakakapag-inspire sa aming mga artista na pagbutihin pa ang aming ginagawa. Kaya happy ako talaga to win another acting award.”
Isa pang nakapagbibigay raw ng karagdagang inspirasyon kay Dingdong ay ang parating na baby nila ni Marian Rivera.
“Excited kami pareho dun sa unang magiging baby namin. More than ever, ito ang the best thing na nangyari sa amin.”
For sure may mga plano na sila para sa parating nilang baby?
“Oo naman po. Lahat naman po ng tungkol diyan, napag-uusapan namin.
At ‘yung tungkol sa pinakamagandang paraan kung paano palakihin ang aming pamilya lalong-lalo na ang aming anak.”
Ilang anak ba ang plano nila ni Marian?
“Kahit ilan po ang ibigay ni God!” muling nangiting sabi ni Dingdong.
Dahil hindi pa nila alam kung baby boy o baby girl ang ipinagbubuntis ni Marian, hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa kung ano ang ipapangalan nila.
Ano ba ang wish niya na maging unang anak nila ni Marian?
“Kahit ano po. Basta ang mahalaga po maging healthy,” nakangiting sabi ng aktor.
Si Marian, hindi na tinanggap ‘yung mga projects na dapat sana ay gagawin nito gaya nga ng pagbibidahan sanang serye sa GMA 7 na ‘The Richman’s Daughter.’ Ayon sa actor, sariling desisyon daw ito ng aktres.
“Of course, priority po namin ang safety niya at saka ng aming magiging baby.”
Hindi nanghinayang si Marian sa mga pinakawalan nitong trabaho?
“Ay hindi po. Kasi nga walang ibang importante sa kanya ngayon kundi ‘yung pregnancy niya.”