May 24, 2025
“It’s difficult to get into another relationship. It’ll be unfair for her because my marriage with Claudine isn’t annulled yet.” – Raymart Santiago
Latest Articles

“It’s difficult to get into another relationship. It’ll be unfair for her because my marriage with Claudine isn’t annulled yet.” – Raymart Santiago

Apr 30, 2015

oghie@ignacio
by Oghie L. Ignacio

raymart_santiago__sinabihan_ang_kampo_ni_claudine_na_magpakatotoo_1407039567Masaya na ang aura ni Raymart Santiago ngayon kapag humaharap sa sinumang kumakapanayam sa kanya gaya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) dahil napaka-cool at mukhang relaks na relaks ang action star turned dramatic actor via teleserye na ‘Second Chances’ kung saan kabituin niya sina Camille Pratts & Jennelyn Mercado sa Kapuso network.

“Medyo okay na kasi ako ngayon after ng ano, alam n’yo na,” ang bungad niya sa amin kamakailan kaugnay ng kontrobersiyang sangkot sila ng ex-wife niyang si Claudine Barretto.
Gumaan at maganda ang mood ni Raymart sa pakikipag-tsikahan dahil ba sa bagong bisyong kinahuhumalingan niya sa kasalukuyan?

“Yeah!, ‘yung skydiving. ‘Pag weekends at hindi rin lang ako busy talagang I spent my time na tumalon. Nakahiligan ko ‘yung sport na ‘yun e. Masarap siya nakaka-relaks at nakakatanggal ng stress,” katuwiran pa nito sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

“Nagsisilbing adrenaline ko ‘yun. Once na hindi ako makatalon kahit isang beses lang, hinahanap-hanap ko. Although, sabi nu’ng iba at ‘yung mga kaibigan ko na delikado raw ‘yung pag-i-skydiving. Sa akin naman hindi, masarap nga e. And I always see to it na bago ko gawin ‘yun alam kong safe ako,” aniya pa.

“Gaya nga ng lagi kong sinasabi, nakakawala ng stress at hindi mo maiisip ang mga problema mo kapag tumatalon ka or may sports kang napapaglibangan gaya nu’n. Kaya regular kong ginagawa ang pagtalon,” sabi pa ng aktor.

Sa pagka-hook ni Raymart sa skydiving, malaki ang naitulong nu’n sa kanyang sarili at lifestyle kaya mas gusto niyang doon na lang ibaling ang atensiyon kung hindi rin lang siya busy sa regular teyping niya ng ‘Second Chances’ na soap nila nina Jennylyn & Camille sa Kapuso.

“It helps me a lot talaga. Nabawasan na ‘yung paglabas-labas ko kung gabi or pagkakaroon ng night life dahil doon. Unlike before na lagi akong ano, going to parties or gumigimik sa gabi. Ngayon kung hindi rin lang skydiving ang gagawin ko, it’s better for me to stay home na lang makakatipid pa’ko sa gastos. Sa bahay ko na lang pinapupunta ang friends ko para makapag-bonding,” tuluy-tuloy pa niyang sabi sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Naka-move on na bang talaga si Raymart sa mga kontrobersiyang pinagdaanan niya lalo na ang may kinalaman sa gusot nila ng ex-wife niyang si Claudine na nagbabalik sa limelight thru Kapamilya Network o ABS-CBN 2?

“Well, sa ngayon okay na. Kahit papaano may time na nakakasama ko ‘yung mga anak namin like, ‘pag may activity sa school nila na kailangan kami nina Sabina & Santino. Alam n’yo naman kung gaano ako ka-close sa mga ‘yun eversince dahil lagi kaming magkakasama dati. So, pag may time na hindi ko sila nakikita, talagang miss na miss ko ang mga anak namin,” sabi pa rin ni Raymart.

May bago ba namang itinitibok ngayon ang puso ng aktor lalo’t tila malabong magkaroon ng balikan sa kanila ni Claudine, kumbaga’y wala na ngang ‘Second Chances’ na maaring mangyari sa pagitan nilang dalawa kahit para na lang kina Santino & Sabina na mga anak nila?

“Sa ngayon hindi ko iniisip ‘yun. Focus na lang muna ‘ko sa trabaho at career. Mahirap din kasi na pumasok na naman ako sa isang responsibility na ano, baka maging problema na naman di ba? And one thing is, hindi pa naman annulled ang marriage namin ni Claudine. So, mahirap talaga at ayokong bigyan pa ng problema ‘yung whoever na babaeng mamahalin ko ulit kung sakali. Basta as of this moment, ayoko munang pumasok sa isang bagay na hindi ganu’n kadali,” diretsong pahayag pa niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Nahahasa na ang husay ni Raymart sa pag-arte dahil kitang-kita ang epektibo niyang pagganap sa ‘Second Chances’ nila nina Camille at Jennylyn dahil na rin sa mahusay na motivation ni Direk Laurice Guillen. So, hindi kataka-takang maging tunay na aktor itong si Raymart in the near future.

Leave a comment

Leave a Reply