May 23, 2025
Vin Abrenica, resentful with TV 5
Latest Articles T.V.

Vin Abrenica, resentful with TV 5

May 1, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

vin copy Nagtatampo ang Artista Academy best actor at homegrown talent ng TV5 na si Vin Abrenica dahil unang ila-launch ng Kapatid network ang kanyang runner-up na si Mark Neumann sa Pinoy adaptation ng top-rating Korean teleserye na ‘The Baker King’ in a title role.

Ano ang iyong nararamdaman?

“I have nothing against Mark. Best friend ko siya at happy ako para sa kanya. Pero, siyempre, na-hu-hurt rin iyong ego ko dahil I believe na worthy naman ako na mapansin at mabigyan rin ng mga projects”, paliwanag ni Vin ng makausap ng Philippine Showbiz Repiublic (PSR).

Ano ang ginawa mong hakbang para maiparating ang hinaing na ito sa TV5 management?

“Actually, I have my manager, Tito Noel Ferrer. Siya iyong tumutulong sa akin. Thankful lang ako na nandiyan siya at palagi kaming nag-uusap,” pahayag niya.

May mga balitang ikaw ang orihinal na nata-tap na gumanap na bida sa Pinoy adaptation ng ‘The Baker King.’ Ano ang masasabi mo rito?

“May mga nakarating nga sa aking balita, noon pa. Pero ganoon naman talaga ang kalakaran, hindi mo puwedeng ipilit kung ano ang gusto mo. It’s the decision of management but thankful pa rin ako dahil hindi ako pinababayaan ng aking manager,” aniya.

mark 1Sa palagay mo ba, maaapektuhan ng bagong development na ito ang friendship ninyo ni Mark?

“I don’t think so, iba naman iyong trabaho at iba naman iyong personal. Hindi rin naman kasalanan ni Mark iyong nangyari dahil I think deserving rin naman siyang mabigyan ng break,” pagwawakas ni Vin.

Mapapanood si Vin Abrenica kasama ang reel and real life sweetheart nito na si Sophie Albert sa balik-tambalan nila sa Wattpad Presents ‘Marry You’ na mapapanood na simula sa Mayo 4, sa ganap na alas-9 ng gabi, Lunes hanggang Sabado sa TV5.

Leave a comment

Leave a Reply