
Newcomer Kenn Chann feels overwhelmed to be included in GMA 7 primetime afternoon soap ‘Healing Hearts’
Sobrang saya nitong si Kenn Chan ngayon dahil sa malaking break na ibinigay sa kanya ng Kapuso network para mapasama siya sa afternoon prime series na ‘Healing Hearts.’ Ang maganda dito ay hindi lang basta ‘one of those lang’ ang kanyang role kung hindi kapantay niya ang mga bidang sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.
“Overwhelmed po ako nung sabihin sa akin na kasali ako rito sa bagong show nina Joyce at Kristoffer,” unang nasambit sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ng guwapong teen singer/actor
sa presscon ng GMA 7 sa ‘Healing Hearts’ kamakailan lang.
“Kaya naman pagbubutihan ko talaga ang aking trabaho for this afternoon prime para hindi naman ako mapahiya sa kanila lalo na sa direktor namin at sa GMA mismo,” nakangiti pa niyang sabi.
Sa angking kaguwapuhan at lakas ng kanyang dating ay walang naniniwala kay Kenn na siya’y loveless o walang inspirasyon sa kasalukuyan after na maging sila dati ni Bea Binene na sinasabing hindi na raw type balikan nitong young teen actor. “Well, I never denied the fact na may inspiration po ako ngayon. Pero non-showbiz ‘yung girl na tinutukoy ko. Kaya huwag na lang natin siyang pag-usapan kasi napaka-private po niyang tao. Ang importante, kahit papaano ay may nagpapasaya sa akin,” lahad pa nito.
“Pero ayoko namang i-focus ng husto sa aking lovelife ‘yung attention ko. Kahit pa okay naman sa parents ko na may lovelife ako, sinusunod ko pa rin ‘yung payo nila na dapat pagbutihan ko ‘yung aking trabaho or career dito sa showbiz. Kasi, bihira lang ‘yung ganitong pagkakataon kaya dapat samantalahin ko di ba?,”katuwiran pa sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ng young actor.
“Naniniwala naman ako na hindi forever ‘yung ganitong profession. So, habang may nagtitiwala sa akin gaya ng GMA 7 kailangang i-grab ko ang opportunity. So, ginagawa ko naman po ngayon. Nasa huli kasi ang pagsisisi kapag hindi ako kumilos. And I’m so thankful sa Kapuso na hindi pa rin nila ako pinabayaan,” malumanay na pahayag pa ni Kenn.
“Tungkol naman kay Bea (Binene), mas maganda na hindi mawala ‘yung friendship na lang sa pagitan namin. And I’m sure na masaya naman siya sa kanyang personal life at career. Same thing with me…kaya wala pong problema sa amin,” paliwanag pa rin nito.
Handa na ba itong si Kenn na makipagsabayan kay Kristoffer na kahit papaano’y kinilala na ang husay sa pagganap kapag magkaharap sila sa matitinding eksena sa afternoon prime nilang ‘Healing Hearts’ sa GMA na eere na sa May 11 sa telebisyon?
“For me po, gagawin ko ‘yung best ko para sa show naming ‘yun. Pero hindi naman siguro kailangang makipagpaligsahan ako kahit kanino sa kanila. Kung ano lang ‘yung hinihingi ng aking role ‘yun ang gagawin ko,” diretsong tugon pa ni Kenn sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Nawala raw yata ang pangamba at pagkakaroon ng takot nitong si Kenn sa mga nakakaharap niyang bading o bakla sa showbiz kaya magiliw na siyang makisama at makipagtsikahan sa mga ito.
“Eversince naman hindi ako natatakot sa gays. Friendly naman kasi ako, lalo na nung mapasok ako rito sa showbiz na ang dami kong naging friends na ganoon. Mababait naman sila at tao rin naman sila na kailangang pakisamahan at irespeto. Medyo iwas lang ako sa ibang gaya nila na ang dating po parang nababastos ako. Sa akin kasi hanggang pakikipagkaibigan lang talaga ang puwede kong maibigay sa kanila,” pagtatapos pa ni Kenn.