May 23, 2025
Rhian Ramos asked for Marian Rivera’s ‘blessing’ before accepting ‘The Rich Man’s Daughter’
Latest Articles Random Thoughts This is it! Uncategorized

Rhian Ramos asked for Marian Rivera’s ‘blessing’ before accepting ‘The Rich Man’s Daughter’

May 7, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

042715-Rhian-Ramos-marian-riveraSi Rhian Ramos ang ipinalit kay Marian Rivera para sa lead role sa bagong serye ng GMA 7 na ‘The Rich Man’s Daughter’ (TRMD). Bago nagsimulang mag-taping ay gusto ni Rhian na ipaalam kay Marian na sisimulan na niya ang nasabing serye. Ayon nga sa kuwento ni Rhian, the day before ng taping ng nasabing serye ay may gustong mag-interview sa kanya tungkol doon. Tumanggi raw siya dahil gusto niyang si Marian ang una niyang makausap tungkol dito.

Aniya, kapag nagkikita sila ni Marian sa mga party ay nagkakausap sila. Dati ay may mga issue na sa kanila nito pero sa kanilang dalawa ay wala raw iyon. Kaya noon pa ay nagkapalitan na sila ng numbers at sinabihan daw siya ni Marian na tawagin niya itong ‘Ate’.
Alam ni Rhian na aware na rin si Marian na sa kanya ibinigay ng GMA 7 ang dating role na binitawan nito, so nag-message siya rito at binati niyang ‘congratulations sa pagbubuntis nito,’ matapos noob ay binanggit niyang kinabukasan na ang taping niya ng TRMD. Nagpasalamat daw ito sa kanya at nagbilin na ingatan niya ang show dahil mahalaga ito para kay Marian.

[divider]

Blind Item: A popular young actor was beaten by a newcomer for an indie film

Balita namin ay nag-audition para maging lead star sa isang indie film ang isang sikat at mahusay na young actor. Pero hindi siya pinalad na mapili rito. Ang napili ay isang baguhang young actor. Dahil dito ay sobrang nalungkot daw si sikat na young actor. Hindi raw niya akalain na isang baguhan lang sa showbiz ang mapipili over him to think na during the audition thru script reading ay ginalingan niya raw naman nang husto.

Leave a comment

Leave a Reply