June 9, 2025
Heart Evangelista reconciles with her mother
Latest Articles Uncategorized

Heart Evangelista reconciles with her mother

May 11, 2015

by PSR News Bureau

Tiyak na naging masaya ang nakaraang Mother’s Day para kay Heart Evangelista dahil bati na sila ng kanyang ina matapos itong makaalitan ng aktres dahil sa kanyang pagpapakasal kay Senador Chiz Excudero na inayawan ng partidos ni Heart noong una pa lamang. Base sa Instagram account ni Heart, ibinahagi ng aktres na nagkaroon silang muli ng ‘bonding’ na mag-ina sa kusina nang magluto sila ng polvoron, isang secret special recipe ng kanyang ina. Tanging si Heart lang ang makikita sa nasabing larawan dahil nahihiya ang kanyang ina dahil naka-damit pambahay lang ito.

heartandmom

“Nothing beats learning mom’s secret recipes,” ani Heart sa kanyang naturang post.

Matatandaan na dumaan sa matinding pagsubok ang pagmamahalan nina Heart at ng kanyang naging kabiyak na si Senador Chiz Escudero. Hindi sumipot sa naging kasal ng dalawa sa Balesin Island Club sa Quezon Province ang mga magulang ni Heart noong February 15.

Naging emosyonal si Heart matapos makatanggap ng sulat mula sa kanyang ama na si Reynaldo Ongpauco kung saan sinabi nito na masakit sa kanya na hindi sila makakarating sa pinakamahalagang araw sa buhay ng bunso nilang anak. Hangad nito na dumating ang araw kung saan magiging maayos na ang lahat kapag nakita niya na masaya ang anak sa piling ni Chiz at maayos rin ang pagtrato nito sa kanyang anak, at naibigay din nito kung ano ang karapatdapat para sa kanya, siya pa mismo ang kakatok sa pintuan nito.

Sa nakikita ng Philippine Showbiz Republic (PSR), isang magandang umpisa o hakbang ang kasalukuyang pagbabati at muling pag-uusap nina Mrs. Cecile Ongpauco at ng anak nitong si Heart. Nawa’y magkaayos na rin sila maging ni Senador Chiz Escudero.

Leave a comment

Leave a Reply