
Mayor Herbert Bautista denies pursuing Jasmine Lee
May 12 ang kaarawan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Pero noong Biyernes, May 8 ay nagkaroon siya ng advance celebration sa Annabel’s Restaurant sa Morato, Quezon City. Kasabay nito ay ang ceremonial signing ng contract niya sa Viva Films kung saan may ginagawa na siyang pelikula ngayon kasama si Maricel Soriano. Isa itong trilogy na may pamagat na ‘Lumayo Ka Nga Sa Akin.’ Sa kontratang kanyang pinirmahan ay nakasaad na ang Viva ang mamamahala ng kanyang movie career.
“It’s my first time to be managed by a reputable institution, ang Viva Films. So napapanahon na siguro para… kung may career man, at least may magma-manage!” natawang bungad ni Mayor Herbert nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR). “It’s a five year managerial contract. Tapos four movies na naka-spread in three years.”
“I thank Viva sa pag-accommodate nila sa akin sa kanilang tahanan. Ano nga e, it’s nice to be back home, ano? Hinahanapan nga nila (Viva) ako ng iba pang proyekto. But I’m thankful na nakasama ko doon sa trilogy sa isang episode ang isang Maricel Soriano. Excited ako, kahit hindi ko makakasama sina Anne Curtis pero masaya ako na maging bahagi ng pelikula ng mga bagong artista ngayon. Maganda ‘yung movie. Trilogy na siya na ipapasok ang horror, action, at saka romance comedy naman ‘yung isa.”
“Sina Benjie Paras at Candy Pangilinan sa unang episode, tapos kami ni Maricel sa second, and then Anne Curtis, Dennis Trillo and JM de Guzman sa third. Nakakatuwa. It was Maricel who requested na ako ang gusto niyang makasama. So, thank you. Malaking bagay po na napili ka ni Ms. Maricel Soriano.”
Sa 2016 election ba, for Quezon City mayor pa rin ang posisyong kakandidatuhan niya?
“I still have one term. Hindi pa kami nag-uusap ni Speaker Sonny Belmonte.
But the Liberal Party is also trying to consider others. I am undergoing a workshop sponsored by the Liberal Party for national position. Actually dapat itong week na ito mag-uusap kami. Kaso busy pa si Speaker Belmonte sa BBL (Bangsamoro Basic Law). Kailangan ma-aprubahan muna nila ang BBL this week para maibato na nila sa Senado. Tatapusin muna niya ‘yung BBL and then uupuan na namin. Pag-uusapan namin kung ano ba ‘yung plano for Quezon City. At kung ano ‘yung plano niya para sa akin.”
Hindi kaya makasagabal ang muling pagiging aktibo niyang muli sa showbiz sa kanyang political career?
“Hindi naman. I think it will compliment. Inaasikaso mo naman ‘yung bayan. At the same time, in a short period of time like less than one month mag-shoot ka on weekends. E di kapag inilabas ang pelikula mo, promo na lang iyon. Hindi talaga siya makakasagabal.”
Tungkol naman sa nail-link sa kanya ngayon na Korean na si Jasmine Lee. Anong real score dito?
“I don’t even have her number. Kumain lang kami, e,” natawang pagdidiin ni Mayor Herbert. Doon kami sa bahay ni Ambassador Hernandez, kumain kami tapos kuwentuhan. Then we went on our separate ways. Ganoon lang ang nangyari sa amin.”
Single at eligible daw si Jasmine Lee?
“Yeah! Namatay ang asawa niya who drowned in front of her. The father (asawa ni Jasmine) was saving the child (anak ng mga ito). Noong na-save ‘yung bata, parang na-stroke yata or something at nalunod.”
So since parehong silang single, posible kaya na maging sila ni Jasmine Lee?
“Hindi ko alam, e. I only met her once. Tatlong oras lang kami nagkasama noong kumain nga kami sa bahay ni Ambassador Hernnandez (Philippine Ambassador to South Korea). Ni hindi ko nga alam ang number niya. Email niya, hindi ko rin alam.”
Pero maganda ito, di ba?
“Kamukha siya ni Alma Moreno. Kamukha talaga ni Alma Moreno. At saka brilliant, magaling magsalita. And kamukha nga siya ni Ness (Alma Moreno) actually. Kaya nga gusto kong ireto kay Joey Marequez, e!” natawang biro pa niya.
Hindi siya interesado kay Jasmine? Kaya walang follow up na magkita ulit sila?
“Hindi ko talaga alam ang number niya.”
Sabi nila, “if there’s a will, there’s a way?”
“Wala siyang card (calling card). Wala rin akong dalang card.”
Puwede naman silang magkuhanan ng number kahit wala silang dalang calling card, di ba?
“Wala, e. It’s purely for international relations. It’s purely relationship between Philippines. And siya ang nagri-represent sa mga Pinoy… actually multi-cultural. Kasama ko ‘yung ibang mga konsehal. Kasi nandoon kami to represent Quezon City. Nandoon din ako as President ng mga cities sa Pilipinas. So yun lang talaga yun.”
“And we’re just so proud na Pinoy ang nagri-represent sa iba’t-ibang lahi na nagtatrabaho sa South Korea. Parang ganoon lang ang topic namin nung nagkausap kami. Jasmine’s a very nice person. And proud lang ako sa mga Pilipino na nag-i-excel sa ibang bansa at kinikilala. So I’m just proud of her. Malaking bagay iyon para sa atin,” panghuling nasabi ni Mayor Herbert.