June 10, 2025
Mark Neumann, the new TV 5 prince
Latest Articles

Mark Neumann, the new TV 5 prince

May 12, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

Mark Biggest blessing para kay Artista Academy alumnus na si Mark Neumann ang kanyang pagbibida sa pinakaaabangang Pinoy adaptation ng top rating Korean TV series na pinagbidahan ng Asian heartthrob na si Yoon Shi-yoon na ‘The Baker King.’

Ano ang masasabi mo na ikaw na ang tinaguriang TV prince ng TV5?

Hindi naman. Marami pa akong bigas na kakainin. Pero thankful ako na napapansin ako ng TV5 at nabibigyan ng breaks tulad nito,” sabi ni Mark.

Bilang paghahanda sa kanyang role na panadero, talagang kinarir ni Mark ang paggawa ng tinapay.

May baking sessions kami. Part iyon ng ‘immersion’ namin sa roles namin. Pinag-aralan talaga namin iyong paggawa ng tinapay, mula sa pagmamasa at pagbe-bake at maging sa pagde-decorate,” aniya.

Inamin rin ni Mark na nahirapan siya sa kanyang role sa grand teleserye ng TV5.

Hindi pala birong gumawa ng tinapay. It really requires sweat, blood and tears. Dapat may skill ka, dedication at siyempre, kasama na iyong hard work,” paliwanag ni Mark. “As much as possible, gusto namin na maging truthful sa aming ipino-portray. Iyong hindi kami makaka-offend sa mga totoong panadero kaya kailangang pag-aralan namin iyong trabaho nila para maging realistic iyong ginagawa naming.” dugtong niya.

Nagpapasalamat si Mark sa TV5 sa napakalaking pagtitiwala na ibinigay nito sa kanya.

It’s a big boost sa akin, at sa love team namin ni Shaira. Kung noon ang Wattpad na ginagawa namin ay good for one week lang, dito, talagang teleserye na siya na dapat abangan dahil this is a very big project,” pagmamalaki niya.

Aminado rin si Mark na noong una ay kinabahan siya dahil mga beteranong actor ang makakasama niya na pawang isang ‘powerhouse cast.’

Magagaling ang mga actors na kasama ko at karamihan sa kanila ay award-winning. I appreciate iyong suportang ibinibigay nila sa akin at sa love team namin ni Shaira. Kaya nga, on my part, ginagawa ko ang best ko para naman hindi ako mapahiya sa kanila,” pagwawakas ni Mark.

Ang ‘The Baker King’ ay mula sa direksyon ni Mac Alejandre, itinatampok rin dito sina Raymond Bagatasing, Diana Zubiri, Joonee Gamboa, Boots Anson-Roa at Ian de Leon. Kasama rin sa cast sina Inah Estrada, Akihiro Blanco, Nicole Estrada at Malak So Shdifat.

Bagamat may mga kilig moments rin sila rito ni Shaira Mae, isa rin itong acting vehicle kay Mark dahil isa itong heavy drama.

Ilang beses nang nagkatambal sina Mark at Shaira Mae sa mga Wattpad series tulad ng “Mr. Popular meets Miss Nobody,” “Mr. Popular Meets Miss Nobody 2: Still in Love,” “I’m In Love With A Dota Player” at ang pinakabonggang “The Magic In You,” na kinunan pa sa Hongkong, Disneyland.

Leave a comment

Leave a Reply