May 23, 2025
Richard Gomez denies running for senatorial post this coming election
Latest Articles

Richard Gomez denies running for senatorial post this coming election

May 15, 2015

mildred@bacud
By Mildred A. Bacud

richardOCT1-460x280 Itinanggi ni Richard Gomez na nakakasa na siyang tumakbo sa Senado sa susunod na eleksyon. Sa pakikipag-usap naming sa kanya via phone patch sa Radyo Inquirer Wow It’s Showbiz, sinabi niyang ipagpapatuloy na lamang daw niya ang pagsuporta sa asawang si Congresswoman Lucy Torres dahil may termino pa naman daw itong natitira.

“Masyado kasing malawak ang Senado at magastos. So hindi totoo na I’m eyeing for that position,” ani Richard.

Ano naman ang masasabi niya sa mga kapwa niya artista at close friends na tatakbo sa naturang posisyon gaya nina Dingdong Dantes, Isko Moreno at Herbert Bautista?

“Goodluck for  Dingdong  kung tatakbo man siya. I’m sure maganda naman ang intensyon niya. Ganun din si Vice Mayor Isko na naging saksi naman tayo ng hardwork niya para mapunta siya sa kinalalagyan niya. I doubt kung tatakbo si Herbert kasi may one term pa siya sa pagkakaalam ko. Of course I’m willing to help them or campaign for them basta kailangan nila yung suporta ko dahil naniniwala naman tayo sa kanila.

Kumusta naman ang career ni Goma? Ano na ang next projects niya?

“I’m very excited about our upcoming teleserye, ‘We’ll Never Say Goodbye,’ with Dawn Zulueta at yung movie ko with Bea Alonzo. Natutuwa naman ako na yung loveteam namin ni Dawn hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin. Natatawa nga kami ni Dawn kasi kami na nga yata yung may pinakamatandang loveteam na humahanay sa mga bagets.”

Hindi naman daw apektado si Lucy sa pagtatambal pa rin nila ni Dawn. In fact very supportive daw ito at fan pa nga siya ng kanilang tambalan.

Leave a comment

Leave a Reply