
Kris Aquino shares ‘stressful’ incident at Bangkok Airport
Kris Aquino shares ‘stressful’ incident at Bangkok Airport
KAPAMILYA STAR PATROL- Mabuti na lamang ay hindi pinatulan ng ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino ang mga lalaking ‘nambastos’ sa kanya habang nasa airport ng Bangkok kung hindi ay baka napahamak pa ang Presidential sister. Naroon ang TV host at aktres kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby para sa commercial shoot na ginawa ni Kris at kasabay na rin ang bakasyon nilang mag-iina. At noong pauwi na sila ay doon niya naranasan ang isang experience na sobrang stress ang idinulot sa kanya. Sa post niya sa kanyang IG account ay ibinahagi niya ang kuwento…
Isang quotation muna ang kanyang ibihagi na nagsasabing… “It’s nice to be important but it’s more important to be nice.”
Sabi naman niya sa caption: “People in public life live under a magnifying glass… And it’s something I trained myself to live with.” My Mom always reminded me ‘to whom much is given, much is expected in return.’ “1 thing I am PROUD of, is regardless of all the criticism hurled at me & my family, nobody can ever say nag POWER TRIP kami.”
Kasunod ay ang pagkukuwento niya ng detalye sa mga nangyari…
“Earlier today while in line to check in at the PAL Mabuhay Counter at the Suvarnabhumi Airport in Bangkok, respectful of the space of the two men in front of us, na-shock ako when as they were exiting I was told, ‘Get out of my f**king way because I want to get out of this f**king country.’
“Di ko sila hinaharangan, nakapila kami properly. I chose to keep my dignity and didn’t reply…
“Sobrang stressful that when my sons & I got to the plane, they were seated near us. I just prayed that sana hindi na sila magpakaBASTOS & my sons & I just get back to Manila safely. I was actually w/in my rights if you think about it na makipagmurahan, since unprovoked ‘yung pagmura nila directed at me. But what for? Sobrang daling mabaliktad ang kwento and the ‘haters’ will find a way to make it appear na ako ‘yung masama. But headed home in traffic now & realizing that God saw what happened & somehow my turning the other cheek must account for some good girl points. And when I was asked by some PAL crew to go to the galley to have pics w/ them, I did get up and posed, regardless of my stress before boarding and during the flight.”
“So the point of this is — we all have our burdens, we have difficulties, but it is character that defines how we carry them. And it is conducting your life with DIGNITY that will help you live a life of PEACE.”
[divider]
Roxanne Barcelo goes back to her first love
KAPUSO CHIKA MINUTE- Very happy ang Kapuso star na si Roxanne Barcelo para sa kaibigan niyang si Marian Rivera na ipinagbubuntis ang first baby nila ni Dingdong Dantes. Ngayon palang ay excited na siya na maging mommy ang kanyang best friend.
“Ako, I’m really looking forward kung paano siya magiging mom. Kasi, sa totoo lang, maalagain siyang kaibigan, maalagain siyang anak. So, andiyan na yung instinct niya as a mother. Nai-excite ako para sa kanya,” sabi ni Roxanne.
Proud daw siya dahil kaibigan niya si Marian na itinuturing niyang isa sa pinaka-totoong tao sa showbiz.
“She’s full of faith sa destiny niya, at sa relasyon niya with God.”
Gustung-gusto raw niya ang pagiging matapat at mapagmahal nitong kaibigan.
Dahil nag-asawa na ang kanyang kaibigang si Marian ay naitanong din sa kanya kung wala pa ba siyang planong mag-asawa. Matagal na rin ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Will Devaughn. Obviously, ini-enjoy pa nila ang isa’t isa bilang boyfriend at girlfriend. At feeling niya ay nakahanap siya ng soulmate sa katauhan ni Will.
“Kasi kami, parang kaya siguro rin kami tumatagal as friends, kumbaga, kung ano ang pinagdadaanan ng isa, ina-appreciate na lang namin,” sabi pa ng dalaga.
Meanwhile, dapat daw abangan ang bagong album ni Roxanne under Viva, dahil muli niyang babalikan ang kanyang first love, ang pagkanta. Ibang Roxanne daw ang maririnig at maging sa kanyang video ay sigurado raw magugustuhan ng mga tao. Marami nga ang nagugulat ngayon sa kanyang bagong image.
“Dun naman sa change of image, hindi siguro alam ng lahat na may pinagdaanan ako. Parang ‘di ako happy, hindi lamang sa career, kung hindi sa maraming bagay sa buhay ko. Kaya sabi ko, ‘something has to change.’ So, binigyan ako ng chance ng Viva, binigyan nila ako ng pagkakataon na mag-record ng mga kantang gusto at isinulat ko mismo. They will be releasing my new album entitled ‘Morena’ this month, tapos na kami sa music video. So, yung sexy image ko, nadala na lang yun ng songs or music ko. It all started from there. Ibang simula na kasi ito, parang ibang tao na ito,” pagtatapos na sinabi ni Roxanne.
[divider]
Inah Estrada reacts to rumors about her mom Janice De Belen and Gerald Anderson
KAPATID SHOWBIZ KONEK-Ngayong tuluyan nang pinasok ni Inah Estrada (isa sa mga anak ni Janice de Belen) ang showbiz ay hindi maiiwasang madamay ang pangalan niya sa intriga at maapektuhan. Just recently, laking gulat ng showbiz world nang ma-link ang pangalan ng kanyang ina sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Diumano’y ito ang itinuturong dahilan kung bakit nag-break sina Maja Salvador at Gerald. Siyempre pa, isa sa nagulat dahil nadawit ang kanyang ina ay si Inah. Sa presscon ng bago nitong show sa TV 5 na ‘The Baker King’ na pinagbibidahan ni Mark Neumann ay nag-react na si Inah sa malisyosong pagkaka-link ng kanyang Mommy Janice kay Gerald.
“There will always be rumors. Ang sa akin naman po, even if you’re a good person, there will always be people who will not like you, na mag-i-spread ng rumors. Noong una, naapektuhan talaga ako. It came to a point na papatulan ko na talaga. But then, I told myself na ‘You know it’s not true, there’s no point para patulan.‘ Ganun talaga,” pahayag pa ng super pretty na si Inah.
Alam daw niyang magkaibigan ang mommy niya at si Gerald pero malabo raw talaga ang ‘relasyon’ na ipinagkakalat ng ibang tao.
“There’s absolutely nothing. Kuya Gerald is my mom’s friend. And he is a very, very good person. Pero hindi rin naman natin maiiwasan na there are people who think maliciously talaga,”sabi pa ng dalaga.
Sa pagkakataon daw na ito ay ayaw na niyang masaktan ang kanyang ina dahil deserving ito sa happiness pagdating sa kanyang lovelife.
“I don’t want my mom to grow old alone. She’s been through so many heartbreaks na and I don’t want to see her get hurt again, so for now, siguro wag na lang muna. I think we’re enough na lang muna for her. But if she wants to find someone, if someone comes along and if that someone is going to treat her really well, no problem,” pahayag pa ni Inah.
Pero okay ba sa kanya if ever magmahal ang mommy niya sa mas ‘younger’ sa kanya?
“Depende siguro. I think if there’s a guy who is younger than my mom who will court her, siyempre he has to get through us first… Kasi kaming magkakapatid we would know naman if the guy is good for my mom or not,” sagot pa ni Inah.