
Direk Mac Alajandre defends Mark Neumann
As far as Direk Mac Alejandre is concerned, hindi sinulot ni Mark Neumann kay Vin Abrenica ang lead role sa pinakabagong teleserye ng TV5 na “Baker King.”
“I have no information about it. As far as I know, there is no such formal offer to Vin noong ikina-conceptualize pa lang ito,” ayon sa magaling na director.
Dugtong pa niya, bilang pinakabagong bida ng TV5, may karapatan si Mark na magbida at ilunsad bilang isang title roler.
“The industry is big enough for everybody. May kanya-kanyang panahon, oras at window ang bawat isa. Minsan mas dumarating siya ng mas maaga or sooner than we expected at minsan naman ay late. Incidentally, dumating na ang panahon nina Shaira Mae at Mark,” pagtatanggol niya.
Ayon pa kay Direk Mac, naging basehan ng pagkakapili nina Mark at Shaira ang pagiging topraters ng mga Wattpad series na ginagawa nila kaya hinog na sila para magbida sa isang malaking teleserye.
“In fairness to Mark and Shaira, they are very hard workers. The mere fact na napili silang finalists sa ‘Artista Academy’ noon, meron silang karapatan. Meron na silang paglalagyan at ito iyong panahon na niyayakap na sila ng pagkakataon,” makahulugang pahayag niya.
Happy rin si Direk Mark dahil isa siya sa mga pumili at nakasaksi sa pag-e-evolve ng mga Artista Academy graduates into better actors na dumaan sa matinding hirap noong nagsisimula pa lang sila sa reality artista search at sa showbiz.
Paglilinaw pa ng respetadong film at television director at head ng TV5’s artist center, parehas ang treatments nila sa mga alumnus ng mga Artista Academy at wala silang favouritism.
Ang “Baker King” na Pinoy adaptation ng toprating Korean teleserye na bibigyan ng kakaibang Pinoy twist ni Direk Mac na ayon sa kanya ay isa sa mga “dream teleseryes” na matagal na niyang gustong gawin.
Inabot ng humigit-kumulang na tatlong taon bago nakuha nila ang rights nito from Korean Broadcasting System para maisalin ito sa atin at magawan ng Pinoy adaptation.
Ang “Baker King” na nagtatampok sa tambalang Shark (Shaira Mae at Mark) ay mapapanood na simula sa Mayo 18, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas 9:30 ng gabi sa TV5.