
Boots Anson-Rodrigo considers her marriage to Atty. King Rodrigo as another blessing
Para sa veteran actress na si Boots Anson Rodrigo (dating Roa) naniniwala siya sa kasabihang “Love is lovelier the second time around,” nang ikasal siya sa kay Atty. King Rodrigo noong Hunyo noong nakaraang taon. Para sa kanya’y maituturing na isang blessing ang kanyang pagpapakasal rito.
“Tama siguro iyong sinasabing may pangalawang glorya,” bulalas niya.
Paano mo ikukumpara ang marriage ninyo ni Atty. King sa naging first marriage ninyo kay (Sir) Pete?
“Maganda iyong marriage namin ni Pete for 43 years. Kung hindi siya nawala, siguro aabutin pa kami ng 50 years. Ang kaibahan siguro, itong marriage namin ni King, dinadala na namin iyong wisdom of the years, iyong sense of tolerance, the patience, yung understanding na kapag mas bata ka ay hindi gaanong umiiral,” makahulugan niyang pahayag.
How do keep your marriage exciting despite your age?
“Palagi kaming nagde-date ni King. King is very thoughtful. Nagtratrabaho siya sa kanyang law office pero hindi siya nakakalimot na mag-text sa akin ng mga messages like “Iniibig kita” o “Sinasamba kita” na talaga namang ikinatutunaw ko. Panay pa rin ang sulat niyang mga poems sa akin before and after marriage,” pagkukuwento niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
How do you bond together?
“Meron pa rin kaming intimacy. May mga private moments kami just like any couple. Nag-be-breakfast at nagdi-dinner kami together. Yun ang mga simpleng bagay that we enjoy doing together.”
At your age ba, nagkakatampuhan o nagkakaselosan pa kayo ni Atty. King?
“Naku! Hindi na. Nasa stage na kami na ini-enjoy na lamang namin ang isa’t-isa pero naroon pa rin ang excitement kasi nga napaka-sweet at thoughtful ni King,” pagtatapat niya.
Nagre-reach out ba si Atty. King sa iyong family?
“Very close siya sa anak kong si Joey, pati na kay Chiqui. Close rin siya sa mga hipag at bayaw ko on the Roa’s side. Ako naman close rin sa kapatid ng yumaong asawa niya. Noong Mother’s Day, nag-attend pa kami ni King sa parangal sa kanyang mother na napiling outstanding mother-achiever ng isang organization,” pagtatapos ni Boots.
Si Boots Anson Rodrigo (Roa) ay mapapanood sa “The Baker King” bilang si Lee, ang matriarch ng isang influential clan na may malaking family business at malaki ang gagampanang papel sa paghubog ni Takgu (Mark Neumann) bilang baker king.
Ang “Baker King” ay magsisimula nang umere sa Mayo 18 (Lunes) ay nagtatampok sa tambalang Shark (Shaira Mae at Mark Neumann). Bukod kay Boots, kasama rin sa powerhouse cast sina Raymond Bagatasing, Diana Zubiri, Joonee Gamboa, Yul Servo, Jacqui Lou Blanco, Ian de Leon. Kabituin rin sina Inah Estrada, Akihiro Blanco, Nicole Estrada at Malak So Shdifat.