May 23, 2025
Wowie De Guzman and James Salas partners in business; aims to debunk misconception on networking
Latest Articles

Wowie De Guzman and James Salas partners in business; aims to debunk misconception on networking

May 18, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

hqdefault (1)Napagbati nina James Salas at Wowie De Guzman ang dating kasamahan nila sa sikat na all male sing and dance group noong 90’s na Universal Motion Dancers (UMD) na sina Norman Santos at Marco Mckinley matapos magpatutsadahan ang dalawa sa Facebook.

Mabilis naman na nagkaayos ang dalawa pagkatapos magkaroon ng miscommunicaton sa fund raising show para kay Norman. Nagkaroon kasi ito ng malubhang sakit sa bato. Akala ni Norman ay buo diumano niyang makukuha ang kinita ng “Concert for a Cause for Norman Santos” pero naitindihan naman niya nung huli na ibinawas ang mga expenses sa show na pinamahalaan ni Marco.

Samantala, nagkaroon ng blessing nung Sabado ang bagong opisina na Starnet sa Shaw Boulevard sa Pasig, kung saan itinayo ang bagong negosyo nina James at asawa niyang si Cesil, Wowie at Jerry “Quik” Vilale. Isa itong networking na kung saan ay may products silang iniaalok gaya ng slimming coffee na organic ang sangkap, meron silang guyabano, barley at Mangosteen Wheatgrass. Noong una ay hindi pa nakumbinse sina Wowie at James dahil 90 percent ay negative ang networking sa Pilipinas. Pero nung makita nila sa previous networking nila na after six months ay malaki ang kinikita ni Quik ay saka lang sila sumunod. Ang ending nagtayo na sila ng sarili nilang business. Ang Starnet ay unang-unang company na conceptualized ng mga artista kaya’t matatag ang credibility nito.

Noong pasukin ni Wowie ang networking ay inaway pa daw siya ng mag-asawang Gladys Reyes at Cristopher Roxas. Concerned ang mga kaibigan niyang ito dahil baka daw makulong ito pero ang ending si Christopher ang nahatak niya na maging member nito at malaki na rin ang kinikita ngayon. Pero nag-stop daw ito noong magkaroon muli ng soap at pelikula pero nangako naman na magiging aktibo ulit sa bagong negosyo nina Wowie. Niyaya rin ngayon nina Wowie at James ang mga ka-grupo nila sa UMD .

“Busy lang sila dahil may kanya-kanya silang business pero eventually sasali rin iyan pag may nakita na silang magandang result,” bulalas ni James.

“Ako dati ang ginagawa ko lang, nung una nahihiya pa ako kahit mag-invite lang,” kuwento ni Wowie.

“Yun nga nakita nakita namin ‘yung potensyal kaya nag-usap-usap na lang kami na talagang mag-put up na lang ng sariling company natin at the same time masaya tayo at nakakatulong pa tayo sa mga tao,” bulalas pa ni James.

Ang objective ng Starnet ay baguhin ang imahe ng networking dito sa Pilipinas, huwag matakot at isiping scam ito.

Leave a comment

Leave a Reply