May 23, 2025
Julie Anne San Jose replaces Bea Binene as Jake Vargas’ love interest
Latest Articles

Julie Anne San Jose replaces Bea Binene as Jake Vargas’ love interest

May 18, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

jabea_reunion_sa__pepito_manaloto__this_saturday__1425644905May kapalit na si Bea Binene bilang katambal ni Jake Vargas pagkatapos nilang mag-split? Pagkatapos magsama sa ‘Pepito Manaloto,’ pagsasamahin sa isang serye sina Jake at Julie Anne San Jose na pinamagatang “Buena Familia,” kung saan makakasama nila sina Kylie Padilla, Bobby Andrews at Angelu De Leon.
Marami ang nagtatanong kung bagay ba ang dalawa dahil matangkad si Julie Anne at may kailitan si Jake. Balitang sinubukan nilang magkaroon ng ‘look test’ at sinabihan ni Julie na dayain na lang ni Jake ang kanyang height sa pamamagitan ng pagsuot ng mataas na sapatos . Lagyan niya na lang ito ng takong sa loob.

17719_894660617246703_8110310843547449174_nOkay lang ba sa kanya na ka-partner niya si Jake?
“Okay lang naman po sa akin kasi nakakasama ko naman po siya sa ‘Pepito Manaloto’ so, I think wala naman pong magiging problema,” bulalas niya ni Julie Anne ng makatsikahan siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa kanyang birthday fans day sa Studio 1 ng GMA 7.

Paano kung ligawan siya ni Jake?

“Hindi ko po alam, huwag muna po siguro, trabaho lang muna,” pakli ng aktres-singer.

Paano kung awayin siya ng mga fans ni Bea Binene?

“Naku, wala naman po ako doon sa ano nila. Labas po ako dun,” sambit pa niya.

”Talaga naman po na undeniably marami silang fans and followers. Wala naman po akong intensiyon na ano, alam mo ‘yun,” dagdag pa niya.

Anyway, twenty one na ngayon si Julie Anne. Ready na ba siyang mag-pose ng sexy at maging cover ng isang men’s magazine?
“Pag meron po, hindi ko po tatanggapin,” sabi niya. “Ewan ko po. Hindi ko lang siguro feel,” bulalas niya.

Tinanong din si Julie Anne kung ready na ba siyang makatrabaho sa isang project sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.
“Ako, wala pong problema dun but I think, it’s not the right time now,” mabilis niyang tugon.

Hanggang ngayon ay inaaway pa rin si Janine ng mga fans ni Julie Anne pero hindi naman daw niya kontrolado ‘yun.
Kung sina Jake at Bea ang makakasama niya? “Sakto lang naman po ako kahit sino at ano po, okay ako,” sagot niya.

Leave a comment

Leave a Reply