May 23, 2025
Guillermo awardees; Actor back in drugs; Direk GM Aposaga dispproves his being a fake director
This is it!

Guillermo awardees; Actor back in drugs; Direk GM Aposaga dispproves his being a fake director

May 20, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

SaPiolo-Toni-Lloydy-KimXi-JaDine-win-at-the-46th-Guillermo-Mendoza-awards-460x280 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) na gaganapin sa June 14 ay sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ang tinanghal dito bilang 2014 Box Office King and Queen para sa blockbuster movie nilang ‘Starting Over Again’ mula sa Star Cinema na kumita ng 410.89 mllion nung ipalabas ito. Nanalo namang Film Actor of the Year si John Lloyd Cruz at Film Actress of the Year naman si Iza Calzado.

Tatlo sa pinakasikat na loveteams ng Kapamilya network din ang paparangalan ng GMMSF. Ito ay sina Xian Lim at Kim Chiu na napiling Prince and Princess of Philippine Movies & TV; sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na itinanghal na Teen King and Queen of Philippine Movies & TV; at sina James Reid at Nadine Lustre bilang Most Popular Loveteam in Movies & TV.

[divider]

Totoo kaya itong naririnig namin na gumagamit na naman daw ng droga ang isang mahusay na aktor? Ang mga kaibigan daw mismo nitong aktor ang nagpapatunay nito. Sinasabihan nga raw nila ang aktor na huwag na ulit gumamit ng drugs dahil baka ipasok siya ulit sa rehabilitation center ng kanyang mga magulang. Pero deadma lang daw itong si aktor, tuloy pa rin daw ito sa paggamit ng droga. Hindi nito pinakikinggan ang payo ng kanyang mga kaibigan.

Sino itong si aktor? Kapag may nabalitaan kayong aktor na ipina-rehab ulit, siya na yun.

[divider]

nora aunor

Naintriga pala dati ang mabait naming kaibigang direktor na si Direk GM Aposaga na fake direktor siya, na hindi siya totoong nagdidirek ng pelikula. Pero deadma lang si Direk GM. hindi siya nasasaktan dahil alam niyang paninira lang yun sa kanya at alam niyang hindi siya fake na direktor. In fairness sa kanya, hindi talaga siya fake na direktor dahil lima na ang nagawa niyang pelikula. Ang mga ito ay ang ‘Titik’ (Letter) nung 2007, ‘Sa isang Munting Parangal’ na lead star si John Regala, ‘Ibaloi’ na bida sina Myrtle Sarosa at Irma Idlawan, ‘Piraso ( A Piece of Love)’ na isa sa bida si Julio Diaz at ang katatapos niya lang gawing pelikula, ang ‘Sampung Libong Tag-ulan (Yoland Survivor)’, na bida ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na prodyus ng mag-asawang sina Mr. Emmanuel at Neth Razo.

Sobrang happy si Direk GM na ngayon pa lang niya masasabi na isa na siyang ganap na direktor dahil nabigyan siya ng chance na maidirek si Ate Guy. Idolo kasi niya ang mommy ni Lotlot de Leon dahil sa sobrang husay nito sa pagganap. Kaya nagpapasalamat siya sa mag-asawang Sir Emmanuel at Mam Neth, dahil sa mga ito ay natupad na ang pangarap niyang maidirek si Ate Guy.

Maganda ang pelikula. Nasaksihan namin ang shooting nito na kinunan pa sa San Juan Batangas. At take note, laging take one si Ate Guy sa kanyang mga eksena kaya naman lalo siyang hinangaan ni Direk GM at ni Mommy Lolay na ina ni Sir Emmanuel na isa ring Noranian.

Leave a comment

Leave a Reply