May 23, 2025
‘Sampung Libong Tag-ulan: The Yolanda Survivor’ movie reels
Faces and Places

‘Sampung Libong Tag-ulan: The Yolanda Survivor’ movie reels

May 20, 2015

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud

Naimbitahan kami ni direk GM Aposaga na masaksihan ang mismong shooting ng kanyang upcoming movie, ang ‘Sampung Libong Tag-Ulan: The Yolanda Survivor’, sa San Juan Batangas. Memorable ito sa kanya dahil sa ang bida niya sa nasabing pelikula ay idolo niya at pangarap na maidirehe na walang iba kundi ang Superstar na si Nora. Sabi niya, “Parang vindicated ang pakiramdam ko. Alam niyo naman na minsan na akong naintriga na pekeng direktor daw. This is my 5th film pero masasabi kong ngayon ko lang naramdaman ang pagiging ganap kong direktor dahil sa nadirek ko ang isang Nora Aunor na matagal ko ng pangarap.”

[metaslider id=11265]

Naniniwala naman ang producer na si Mr. Emmanuel Razon at maybahay nitong si Neth sa proyektong ito. Hindi raw sila nagdalawang isip na mag-produce dahil sa mensahe ng pelikula, “It’s an eye opener. May international market na ito at sabi nga ng mga taga-ibang bansa, matapang na pelikula ito kasi parang expose kung ano yung mga hindi naibalita. Although aware na tayo na marami talagang tulong no’ng Yolanda ang hindi nakaabot sa mga kababayan natin.” Kahit naman kalahok sa Cannes Film Festival ang pelikula ni ate Guy na ‘Taclub’, tinanggap pa rin niya ang pelikulang ito ni direk GM kahit pa may pagkakahawig sa kwento dahil nagustuhan rin niya ang mensahe nito.

[metaslider id=11266]

Kasama sa pelikula sina Jef Gatmaitan, Paco Evangelista, Liz Alindogan, Jong Cuenco, Minnie Aguilar at iba pa.

Leave a comment

Leave a Reply