May 23, 2025
Maris Racal and Manolo Pedrosa teams up in ‘Star Versus Me’
Latest Articles Movies

Maris Racal and Manolo Pedrosa teams up in ‘Star Versus Me’

May 21, 2015

by PSR News Bureau

Ang tambalang nagsimula sa ‘Bahay ni Kuya’ noong ‘Pinoy Big Brother Teen Editon’ na minahal ng sambayanan na sina Maris Racal at Manolo Pedrosa ngayon ay bibida na sa isang pelikula. Mapapanood ang dalawa sa ‘Star Versus Me,’ isang pelikula na base sa best-selling novel with the same title na isinulat ng direktor na si Joven Tan na siya ring direktor ng nasabing pelikula.

Stars-Versus-Me-Presscon-with-Manolo-Pedrosa-Maris-Racal-Kiray-Jenine-Desiderio-Rita-Avila-3980

Ang ‘Star Versus Me’ ay tumatalakay sa mga taong mahilig sa horoscope bilang patnubay o gabay nila sa buhay. Bagamat medyo kinakabahan, parehong masaya at excited sina Maris at Manolo sa pagbibigay ng pagkakataon para sa kanila na maging bida sa pelikula. Naniniwala din sila na marami ang makaka-relate sa kanilang respective roles sa naturang pelikula dahil nakasanayan na ng mga Filipino ang magbasa ng kanilang mga horoscope sa araw-araw.

“Sobrang nakakaaliw po yung movie namin, sigurado po akong makaka-identify po sila sa aming characters dito sa ‘Star Versus Me.’ I’m happy din na pinagkatiwalaan kami ni Direk Joven to do this kilig film about horoscope fanatics,” paglalahad ni Maris nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) nang magkaroon ito ng press conference kamakailan lang.

Ayon sa mga bida ng ‘Star Versus Me’ na sina Maris at Manolo, bagamat matagal silang nagkasama sa paggawa ng pelikula at maging noon pang panahon na nasa loob sila ng ‘Bahay ni Kuya,’ hindi sila naging magkarelasyon. “Pareho pa po kasi kaming mga bata,” sabi ni Manolo. Dagdag pa ng binata, “Ang focus po namin ngayon ni Maris ay ang pagbutihin namin ang aming respective careers. Sa totoo lang po, hindi po ako naghahanap. Ayoko pong isipin muna iyang mga bagay that pertains to love. Makakapaghintay naman po iyan at naniniwala po akong may tamang panahon para diyan.”

Sumasangayon naman dito ang kapareha niyang si Maris. Kuwento ng dalaga, nagkaroon na daw siya ng unang boyfriend noong siya ay 15 years old pa lang. Hindi man masasabing seryoso ang naging relasyon niya pagka’t sandali lang itong nagtagal, napagtanto ni Maris na hindi pa hinog ang kanyang puso para sa seryosohang pakikipag-relasyon. “At 17, masyado pa kaming bata ni Manolo,” aniya.

Hindi naman ikinakaila nang dalawang bida ng ‘Stars Versus Me’ na may ‘spark’ silang nararamdaman na mababanaag sa kanilang on-screen chemistry, pero hindi sapat ito upang ituloy nila ito sa totohanan. “May attraction, siyempre, lalo na nung nasa loob pa kami ng PBB house. Pero nang lumaon, sobrang naging komportable na kami sa isa’t-isa kaya di na namin iniisip pa iyon,” pag-aamin ni Manolo na hanggang ngayon pala ay ‘no girlfriend since birth.’ “It’s my personal choice (ang hindi pagkakaroon ng girlfriend), maraming magaganda na hinahangaan ko, pero hindi pa talaga ako handa dahil bata pa naman ako, ayokong madaliin eh,” pagbibigay rason nito.

“I find Maris cute. Noong nasa PBB pa kami, inaamin kong naisip ko rin na posible ko siyang maging girlfriend. Pero pagkatapos naming lumabas (ng ‘Bahay ni Kuya’), may nagbago po. Hindi po sa ayaw ko sa kanya, pero ‘professional’ level na lang po. Hindi pa po ako marunong manligaw. Pero mas malalim na po yung friendship naming dalawa,” paglalahad pa ni Manolo.

Umamin din si Maris na attracted din ito kay Manolo pero hangad din nito to establish herself first in the industry. Kuwento pa ni Maris: “Sa PBB pa lang po, mabilis nag-jive yung personality namin. Pero hindi ko po na-imagine that we’ll be paired with each other outside the PBB house.”

 

Parehong napapanood sina Maris at Manolo sa ‘Oh My G!’ TV series na pinagbibidahan ng anak ng kanilang co-star na si Jenine Desiderio na si Janella Salvador. Hindi man si Maris ang partner ni Manolo sa nasabing serye (he’s being paired with Janella) ay buo din naman ang suporta ng Janella-Manolo fans sa ‘Star Versus Me.’ Bukod dito, may sarili naming hatak ang kanilang tambalan sa fans na kung tawagin ay ‘MarNolo.’

Sa pelikulang ‘Stars Versus Me,’ ginagampanan nina Maris at Manolo ang dalawang kabataang never pang nagkaroon ng karelasyon at parehong pinaniniwalaan ang horoscope bilang gabay sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Makakasama nina Maris at Manolo sa ‘Star Versus Me’ sina Matet De Leon, Jenine Desiderio, Dennis Padilla, Kiray Celis at Rita Avila. May special participation din dito si Ejay Falcon.

Kilala ang newcomer na si Maris sa pagkakaroon ng malamyos na tinig kung kaya’t siya rin ang napiling umawit ng theme song ng movie, ‘Tanong Mo Sa Bituin’ na kasama sa kamakailan na inilunsad na OPM Fresh album under Star Music. Ang music video ng nabanggit na awitin ni Maris ang siyang kasalukuyang most requested sa MYX Channel.

Ipapalabas na ang ‘Star Versus Me’ sa mga sinehan simula sa June 3. Huwag ninyong palalampasin pagkat maganda ang kuwento ng pelikula at siguradong mage-enjoy ang buong pamilya, lalo’t higit ang mga naniniwala sa horoscope.

Leave a comment

Leave a Reply