May 24, 2025
Character actor Ronnie Lazaro makes directorial debut
Latest Articles

Character actor Ronnie Lazaro makes directorial debut

May 21, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

2b275db36Excited ang award winning character actor na si Ronnie Lazaro ngayong palabas na ang unang pelikulang idinirehe niya. Ito ay ang ‘Edna’ na pinagbibidahan ni Irma Adlawan.

Kuwento ito ng isang babaeng OFW na lahat ng sakripisyo at pagsisikap ay ginawa para sa kanyang mga anak at asawa pero sa kanyang pag-uwi ay matutuklasang sa wala lang pala nauwi ang lahat ng ipinapadala niyang pera dahil ipinagpasarap lang ito ng kanyang mga kaanak.
Sa panahong maingay ang usapin hinggil sa mga nagiging problema ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa gaya na lang ni Mary Jane Veloso, naniniwala si Ronnie na napapanahon ang pagpapalabas ng ‘Edna.’

“Nagkaroon na kami ng ilang special screenings ng pelikula. At natutuwa ako sa magandang feeback at review rito,” masayang sabi ng actor-director sa isang panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
“Bago ang commercial release nito nagkaroon ito ng special screening sa UP Cine Adarna sa University of the Philippines.”

Bakit nga ba ngayon lang siya nagdesisyon na magdirek na rin ng pelikula?
“I never wanted to be a director,” sabi ni Ronnie. “Kapag tinatanong ako dati ng mga friends ko… why don’t you direct? Sabi ko… ang dami nang director.
“Artista na lang nila ako. That’s it! But I call it destiny,” pagtukoy niya sa pagiging director na nga niya ngayon.

“My life is always that (destiny). I never desired to be an actor. I never imagined myself marrying a foreigner. Many parts of my life is directed to flwoing with the universe.”
Ano ang naging deciding factor para pasukin niya ang directing?

“Because Tonet (Gedang, producer of ‘Edna’) is a very good friend. He produced ‘Ataul For Rent’ before,” kung saan isa sa cast si Ronnie.
“One day he said… my business is good, I wanna do four films. He asked… ‘do you have a movie?’ Sagot ko naman… I have many movies in mind. So I told him about my concept… ito ngang ‘Edna’ na ang story is about an OFW. Nagustuhan niya. Kasi dating OFW din ang father niya.”

Sa pelikulang ‘Edna’, doble ang kanyang task. Hindi lang siya direktor kundi artista rin dahil gumaganap siya bilang asawa ng character ni Irma.
Mas mahirap ba ito?
“It’s not really that. I have it already because it’s my concept and I know the story. So on being an actor, I can shift. But there is this one scene na napa-react ako kung bakit walang nag-cut, yung ‘kissing scene’. Sabi ng production people… Direk, ikaw ang magka-cut, e. Nakalimutan ko, ako nga pala ang nagdidirek!” natawang kuwento pa ni Ronnie.

Dahil unang sabak lang niya sa pagdidirek, nangapa ba siya sa unang shooting day nila?

“You know, what is important here is I have two great cinematographers… Larry Manda and Arvin Viola. And this is what’s good about the production team. We are all friends so we are enjoying what we’re doing.”

Ronnie-Lazaro-Irma-AdlawanPersonal ba niyang choice si Irma para sa lead role?

“My only actor in my mind right away when I conceptualized this was Irma Adlawan. The rest of the cast, we picked them up along the way.”

Bakit si Irma?

“She’s a dream friend. We’ve worked for a long time. We’re very good friends. This is what’s strong in the team, yung friendship. And Edna is a product of collaboration, of friendship, and having fun while doing it.”

Dahil maganda ang feedback sa una niyang pelikula, tuloy-tuloy na ba ang pagdidirek niya?

“If destiny brings me there. Only life can tell.”

Sino ang mga artistang dream niyang sunod na maidirek?
“I don’t want to mention names. Maraming magtatampo!” tawa ulit ni Ronnie.I am surrounded by many great actors. So I just play around with that.”

Bilang director, wala ba siyang restrictions o hindi ba siya nagkaroon ng mga hesitations giving out orders lalo at mga kaibigan nga ang katrabaho niya?
“It’s normal of course. But nothing spectacular. It’s more of ano lang… since most of my cast are theater actors, the discipline is there. So maayos naman.”

“Ang na-realized ko lang sa unang sabak ko sa pagdidirek… that I should make my homework. So when I go to the set, I know already what to do.”

Is he the strict type of a director?

“No. I’m very casual. Sometimes I can be strict. But on the right aspect.

“At ang naging policy namin ng producer is… we shyopuld make the behind the scenes happy. ‘Yong buong set… happy.”

Marami pa rin ang nakakaalala sa markang iniwan ng pelikulang ‘Boatman’ na ginawa niya noon. Ito’y hindi lamang dahil sa sobrang daring, sensitibo, at mapangahas na tema nito kundi maging sa husay ng kanyang portrayal bilang isang bangkero.

“Gusto ko ngang kausapin si Robin Padilla, e. Gagawa kami ng pelikula… Boatman And Robin!” napahalakhak na biro ni Ronnie.

“My philosophy in life… I don’t define things! Balik seryoso niyang pahayag patungkol sa kanyang craft bilang isanmg aktor at ngayon ay director na rin.

“Kasi when you define, you box, e. You box your perspective.

“But if you just allow it… you’ll very open. You’re very deep.”

ednaTarget daw nila na maiikot sa iba’t ibang international film festival ang Edna.

“Inaayos pa namin ang tungkol dito. Ferdie Lapus is the one getting us there. And we’re still waiting. We hope we get into the MMFF (Metro Manila Film Festival) for the new wave category.

“We also want to do interisland screening na we’ll bring it to Cebu, to Bacolod. Iloilo… ‘yon. We also hope to sell this to OFW communities. Not only here but sa ibang countries din,” panghuling nasabi ni Ronnie.

Leave a comment

Leave a Reply