May 23, 2025
NBA Star players to visit the Philippines
Latest Articles Sports

NBA Star players to visit the Philippines

May 22, 2015

by Justin Pisueña

1432106527_ap9308756197

Isa sa mga miyembro ng Los Angeles Lakers (LAL) ang half-Filipino na si Jordan Clarkson. Bibisita siya sa Pilipinas kasama sina Trey Burke ng Utah Jazz at NBA great Horace Grant. Ang tatlo ay darating sa Pilipinas para ipagdiwang ang NBA Playoffs kasama ang masugid na manonood at tagasubaybay ng basketball.

trey-burke-nba-utah-jazz-media-day-850x560

Makakaasama ng tatlo ang mga Oklahoma City Thunder’s Thunder Girls at Charlotte Hornet’s mascot na si Hugo the Hornet.

Ang NBA Cafe Manila ay ang mag ho-host kina Clarkson at kay Burke sa Mayo 22 at 24 habang ine-ere ang laban ng game 2 at 3 ng Golden State-Houston sa Western Conference finals. Sasamahan sila Clarkson at Burke sa Mayo 24.

Si Clarkson ay napili na maging isa sa mga limang rookies sa NBA All-Rookie Team kasama ang Rookie of the Year na si Andrew Wiggin ng Timberwolves, Nikola Mirotic ng Bulls, Elfrid Payton ng Magic, at Nerlens Noel ng Sixers.

Habang wala ang superstar ng Laker na si Kobe Bryant, ang 6-foot-5 na si Clarkson muna ang pumalit sa shooting guard na pwesto at uma-average ng 15.8 points, 5.2 assists, at 4.8 rebound at nag simula ng 38 na laro as a starter para sa Lakers.

Leave a comment

Leave a Reply