
Showbiz’s stork and mommy news: Marian Rivera, Ciara Sotto and Jackie Forster enjoys being mommies
Matapos ang Royal wedding ng primetime king and queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang pagkakaroon naman nila ng anak ang inaabangan ng industriya ng showbusiness.
Naging maingat ang mag-asawa lalo na si Marian at mas pinili niyang huwag gawin ang dapat sanay first teleserye sa Kapuso network pagkatapos ng kanilang kasal.
“Akala ko nang hindi ko itinuloy ang paggawa ng soap, sa bahay lang ako, magpapahinga. Pero dumating naman ang mga bagong offers. May mga new endorsements, may TVC shoot, may mga nag-renew ng endorsements, kaya halos sunud-sunod din ang trabaho,” ani Marian.
Mas magagaan daw na trabaho ito kumpara sa regular taping at heavy scenes sa teleserye. Sinabi pa ni Marian na bago nya tanggapin ang anumang proyekto, ipinaaalam nya muna iyon sa kanyang obstetrician. At kahit buntis, mayroon pa itong pictorial para sa isang men’s magazine. “First time ko iyon, pero hindi sexy dahil ayaw nila ng sexy pictorial, kaya tinanggap ko.”
Bukod sa mga bagong endorsements ni Marian, kasali rin silang mag-asawa sa isang award-giving body at tatanggap bilang Newsmaker of the Year.
Sa November nakatakdang manganak ang aktres at gusto nitong itodo ang pag-aalaga sa anak. Kakarerin ni Marian ang pagiging isang ina! “Ipinagdasal ko ‘to at mabait ang Diyos dahil after one month and a half na kinasal kami ni Dong, binigyan na Niya kami ng biyaya.”
Meanwhile, kakaibang closeness naman and nararamdaman ng new mom na si Ciara Sotto para sa anak na si Crixus. Talo daw ang puyatan sa taping kapag nagka-baby ka. “Natutunan ko ‘yun, na iba pala talaga magiging sleeping patterns ‘pag nagkaroon ka ng anak.”
Halos apat na taon nang kasal ang aktres at mahusay na pole dancer bago nabiyayaan ng anak. Kaya naman halos ayaw nitong iwan ang anak at kung maaari daw ay huwag na siya lumabas ng bahay para laging katabi ang 3-month old baby boy.
“Hindi mo pala maiwan. Ako, hindi ko [siya] maiwan. Ang hirap pala iwanan ng baby. Nakakawili. Saka siyempre gusto mo alagaan, gusto mo palagi nasa tabi mo,” sambit pa ni Ciara.
Nanganak naman sa kanyang pang-limang anak ang controversial actress and mom to Kapuso artists Andre and Kobe Paras, si Jackie Forster. Ganito ang sinabi ng new mom sa kanyang instagram post: “Baby Yohan, God’s gracious gift, with deepest gratitude…Now the exciting journey truly begins.”
Kung susuriin ang first letters ng mga pangalan ng kanyang mga anak ay JACKY: J for Jared (third son), A for Andre (first born), C for Caleigh (fourth and only daughter), K for Kobe (second son) at Y for Yohan (fifth).
Gusto daw talaga ni Jackie ang malaking pamilya at kahit kasal na ito sa bagong asawa kung saan tatlo na ang kanilang anak, hangad pa rin ni Jackie ang mapalapit sa estranged sons na sina Andre at Kobe.
To Marian, Ciara and Jackie: may all your wishes and prayers for your kids and family come true!