May 25, 2025
Ai Ai Delas Alas says she couldn’t ask for anything more
Latest Articles T.V.

Ai Ai Delas Alas says she couldn’t ask for anything more

May 25, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

download (5)Maganda ang feedback sa ‘Let The Love Begin’ na unang serye ni Ai Ai delas Alas sa kanyang pagbabalik sa GMA 7. Dahil dito, labis ang ang pasasalamat ng TV host-comedienne.

“Sana ay patuloy itong subaybayan ng viewers araw-araw,” pahayag niya. “Dahil isa itong napakagandang teleserye.”
“It’s about sa family, love, at ang pakikibaka sa buhay. Napakarami po nating matututunan sa ‘Let The Love Begin.’
“Ako ang nanay ni Ruru Madrid. At dito po ay medyo ka-loveteam ko ang aking ‘Cup Cake’ na si Gardo Versoza. Sa story, bestfriends po kami at pareho kaming DJ sa radio. At Cup Cake ang tawag kay Gardo ng sambayanan. So… ang aabangan ay kung ano ang mangyayari sa aming friendship. Kung kami ba ay magkakatuluyan, o kung ang aming mga anak ba ay magkakatuluyan.”

Ano ba ang naging reaksiyon niya nang malamang si Gardo ang kanyang magiging kapareha?
“Ay, okay agad sa akin. Kasi marami na rin kaming projects na pinagsamahan. Sa ‘Sisterakas’ nakasama ko siya. Asawa ko siya doon. Pero itong sa ‘Let The Love Begin’ ang kumbaga, magiging pinakamatagal. Kasi serye, e,” kuwento pa ni Ai Ai.

“Kaya noong binanggit sa akin na kaparner ko si Gardo, okay agad. Kasi komportable ako sa kanya. So ngayon dito sa soap na ito, ngayon talaga kami matagal na magsasama. Kung nagkataon na hindi kami ni Gardo, feeling ko magiging mahirap i-blend ‘yung roles namin. Buti na lang, swak na swak kami sa isa’t isa.”

“Kumbaga walang… hindi kami nagkakailangan. Kasi kung hindi naman kami naging friends dati, hindi rin kami magiging ganito. Walang magic, kumbaga,” dagdag pa ng Comedy Queen.

Kuntento raw siya at masaya sa kanyang pagbabalik-Kapuso. Higit daw sa kanyang inaasahan ang mga oportunidad na inilatag ng GMA para sa kanya.
“Dito kasi ako galing. So… kung gusto mo ulit mag-explore, talagang babalik ka ulit sa bago mong tahanan. At ito nga ‘yon. Ang GMA.”

Bukod sa ‘Let The Love Begin’ ay isa-isa na raw pinaplano ang iba pang mga projects na kanyang gagawin.
“Meron pong Sunday show. At meron din akong kasama si Ryzza (Mae Dizon).”

May gagawin din daw silang dalawa ng kaibigan niyang si Marian Rivera.
“Abangan n’yo po ‘yan. Excited na kaming dalawa!”

download (4)May plano rin daw na magsama sila nina Jose Manalo at Wally Bayola. Pero wala pang detalye tungkol dito.
She will also be working again with Vic Sotto raw. Pero hindi raw ito sequel ng ‘Enteng Ng Ina Mo,’ na isang certified box office hit movie na pinagtambalan nila.

“Si Bossing, boss ko talaga iyan, e. At saka parang si Marian din ‘yan, e… maraming alam sa akin na hindi naman alam ng mga tao. Pero personal ko talaga siyang close, pinagkatiwalaan ko ng buhay ko ‘yan.”
Hindi lang sa takbo ng kanyang career kuntento sa ngayon si Ai Ai kundi maging sa kanyang lovelife.

“Masaya ako. Finally nakakita na ako ng isang lalaking mabait, I think,” pagtukoy niya sa kanyang boyfriend, ang 20 year old La Salle student na si Gerald Sibayan.

“Mabait siya. Hindi siya showbiz. At saka the best is… inirerespeto niya ako bilang tao, bilang babae. Iyon naman ang pinakamahalaga. Huwag lang siyang magbago.”

Leave a comment

Leave a Reply