May 23, 2025
Blind Fold

Popular loveteam deceive fans with ‘fake sweetness’ when in reality they loathe each other

May 25, 2015

by PSR News Bureau

Hindi namin inaasahan na makakasabay ng aming isang malapit na kamag-anak ang isa sa mga sikat na loveteams natin ngayon sa isang flight nila papunta sa isang lugar kung saan magtatanghal ang dalawa. Ayon sa aming informant, nakagugulat na parang halos hindi daw magkakilala ang magka-loveteam sa isang business class na eroplano dahil habang si lalaki ay busy-busyihan sa pakikinig sa music, tatlong rows mula sa kanyang kinauupuan ay matatagpuan naman na nanonood ng mga pelikula sa kanyang babaeng kapareha. Yes, hindi po sila magkatabi ng upuan. Ni hindi man lang naglilingunan ang dalawa na animo’y total strangers sa nasabing eroplano throughout the said flight. Siyempre pa, ikinagulat ito n gaming kamag-anak dahil ang press release ng nasabing loveteam ay nasa ligawan stage na sila. Pero kung pakaiisipin, di ba’t parang napakatagal naman ng kanilang ‘courtship stage’ dahil matagal na panahon na rin naman mula ng mahiwalay ang babae sa kanyang dating ka-loveteam na naging karelasyon din niya? Ang lalaki naman ay may mga issue na kung saan pinagdududahan ang kanyang gender. Ganun pa man, tinanggap pa rin ang kanilang tambalan ng fans.

Eto na, nang maglakad na ang dalawa sa tube ng eroplano, bigla silang naghawak ng kamay at biglang parang magkakilala ulit. Ayon pa sa aming reliable source, kung hindi mo sila nakita earlier sa eroplano, maniniwala kang may namamagitang relasyon sa dalawa dahil sa makikita mong ‘sweetness’ sa kanila habang inaalalayan pa ng guy ang girl at may pabulong-bulong pa sila sa isa’t-isa gayung kani-kanina lang ay hindi talaga sila nagpapansinan. Ang siste, kaya naman pala biglang may ‘put-on’ sweetness sila ay dahil paglabas nila ng tube, may mga reporters at photographers na naghihintay sa kanilang pagdating. Bakit naman kasi kinikimkim pa nila yung totoong nararamdaman nila sa isa’t-isa? Bakit hindi na lang sila magpakatotoo? Nakakaloka yung ‘sweetness’ nila kuno ha. Bakit di na lang nila gayahin ang tambalang JaDine na hindi niloloko ang fans? Kailangan ba talagang lokohin nila ang fans para lang tangkilikin ang kanilang loveteam? Kung sabagay, may nega naman talaga sa dalawang ito, yung lalaki, napabalitang may attitude nang pumunta siya sa isang lugar at yung babae naman ay kilala bilang may pagka-maldita. They deserve each other dahil parehas silang plastik.

Leave a comment

Leave a Reply