
Dennis Trillo and Richard Yap fight over Maja Salvador in ‘You’re Still The One’
by PSR News Bureau
Kung naranasan mo nang magmahal sa maling panahon at pagkakataon, nanaisin mo pa bang pagbigyan ang iyong puso sa pangalawang pagkakataon? Ito ang tema ng pelikulang mula sa Star Cinema at Regal Films na may pamagat na ‘You’re Still The One’ na pinagbibidahan ni Maja Salvador, Dennis Trillo, Richardl Yap at Ellen Adarna.
Ito ang unang pagtatambal nina Maja at Dennis. Tungkol ito sa isang couple na nagsimula ang kanilang love story noong mga high school pa lang sila at nang sila’y maging adults ay nagkaroon muli sila ng kaugnayan. Ang lalaki ay kasalukuyang engaged na sa kanyang nobya (ginagampanan ni Ellen Adarna) at ang babae naman ay nagsisimula nang makapag-move on sa isang bagong relasyon (Richard Yap), ngunit anong dahilan at muli silang pinagtagpo ng tadhana?
[metaslider id=11525]
“Masaya akong makatrabaho ang ibang mga artista gaya nina Maja at Sir Chief (ang karakter na tumatak kay Richard Yap mula sa ‘Please Be Careful With My Heart’). Hindi lahat ng artista nabibigyan ng ganitong pagkakataon,” bungad ni Dennis nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) nitong Linggo.
“Maja and I were able to work na before during ‘My Binondo Girl,’ but that was some years back, pero we’ve remained friends,” sabi naman ni Richard.
“I’m privileged to be working with an award-winning actor like Dennis. Ibang klase siyang kasama sa work. Among all the other actors I’ve worked with, si Dennis is so serious with his craft. He would highlight important parts of the script and would painstakingly memorize them prior to coming to the set,” pagkukuwento pa ni Maja na halatang all-praises kay Dennis.
“With Richard naman, he’s really a good friend from way back pa, so it’s such a joy to be working with him also.”
This romantic-drama film reunites two giant network talents: Kapuso hunk Dennis Trillo and Kapamilya artists Maja Salvador and Richard Yap.
Ang kuwento ng pelikula ay iikot kay Elise (Maja) at Jo (Dennis), dalawang taong nagmahalan noong mga high school pa lang sila pero hindi kailanman naging opisyal na magkarelasyon. Matapos ang ilang taon na lumipas, muling nag-krus ang kanilang landas at sa pagkakataong ito’y handa na si Elise para sa isang commitment, pero si Jo naman ay malapit nang ikasal sa nobya nito. Kaya’t nagsimulang mag-aral lumimot ng puso ni Elise sa katauhan ng isang lalaki na gagampanan ni Richard. Dahil dito, labis na nasaktan ang puso ni Jo dahil dito niya mare-realize kung gaano niya kamahal si Elise. Gagawa kaya ng paraan ang binata upang muling masungkit ang pag-ibig ni Elise? Paano naman ang kanyang nobya na pinangakuan niya ng kasal (Ellen Adarna)?
Huwag palampasin ang natatanging obra mula kay Aloy Adlawan sa ilalim ng premyadong direktor na si Chris Martinez. Ipapalabas na ang ‘You’re Still The One’ sa paborito ninyong sinehan simula May 27!