May 24, 2025
Richard Yap wants to become a versatile actor
Latest Articles Movies

Richard Yap wants to become a versatile actor

May 27, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

10860202_258229527680567_708944987_nInaasahan na maraming maninibago kay Richard Yap kapag napanood siya sa pelikulang ‘You’re Still The One’ na ipapalabas na ngayong Miyerkules, May 27. Joint production venture ito ng Star Cinema at ng Regal Entertainment kung saan kasama rin sa mga pangunahing tampok na artista sina Maja Salvador, Dennis Trillo, at Ellen Adarna, sa ilalim ng direksiyon ni Chris Martinez.

Nakausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) si Richard. Ayon sa kanya, isang fiscal ang role ni Richard dito sa pelikula. “Since Maja is a lawyer here, I take her under my wing and then something developed between us.”

Usap-usapan ang tungkol sa lovescene nila ni Maja. At hindi lang ito isa kundi tatlo. First time ni Richard na gumawa ng ganitong eksena. Kaya siguradong marami sa kanyang mga tagahanga ang maninibago sa mga bagong makikita sa kanya dito. “It was okay (lovescene). It wasn’t so bad.”
Sa nasabing eksena, naghubad ng shirt ang aktor. Unang beses pa rin lang daw niya itong ginawa onscreen.

Untitled

Hindi siya nailang sa nasabing pakikipag-lovescene kay Maja. Did he talked to her wife Melody hinggil dito?

“I didn’t have to tell her. I just told her after we shot the scene,” ani Richard.
Ano ang naging reaksiyon nito?

“Okay lang. Sabi niya… ‘ginalingan mo ba?,’” natatawang biro pa ng aktor. “My wife trusts me naman,” dagdag pa nito.

Nag-usap muna ba sila ni Maja bago kinunan ‘yung mga lovescenes nila? Did they had the chance to prepare or rehearse for it?
“We didn’t have time to rehearse. But it was something that is needed in the movie. I did it because it’s something that is required of the role. And as actors I think we have to do other roles,” paliwanag pa nito.

“Para naman ibang side ang makita, yeah. And so that you can also grow. As an actor, I’d want to become versatile.”

Maraming nagsasabi na bumagay kay Richard ang bago niyang look. Mas gumuwapo siya at mas younger ang hitsura.
“I’m just trying to change my look for the movie. From a father figure into something that fits the role,” pagtatapos niya.

Leave a comment

Leave a Reply