May 23, 2025
Mich Liggayu of Jamich joins showbiz; engages in ‘kissing scenes’
Latest Articles This is it! Uncategorized

Mich Liggayu of Jamich joins showbiz; engages in ‘kissing scenes’

May 27, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Artista na rin ngayon ang YouTube sensation na si Mich Liggayu ng ‘Jamich.’ Siya ang bidang babae sa ‘Wattpad Presents: How To Break Up With A Bad Boy’ na napapanood sa TV5 tuwing 9:00 pm.

HTBWTBB-875x480-2

Sa presscon ng nasabing show ay nilinaw ng dalaga na bago pa man pumanaw ang boyfriend niyang si Jam Sebastian ay plano na talaga niyang pumasok sa showbiz.
“Mga two years ago pa po. Before po, bumibisita na kami ni Jam. Pero nalaman nga po namin na may condition na siya noon, hindi po ako nakapag-focus sa sarili ko noon. Lahat po talaga ng time ko noon, ibinigay ko kay Jam. Talagang lately lang po noong medyo nadi-depress na po ako, naghanap po talaga ako ng way. Kaya doon na lang po ako nag-focus, sa career po.”sabi ni Mich sa Philippine Showbiz Republic (PSR) nang makausap namin.

Sa naturang ‘Wattpad Presents’ ay may kissing scenes si Mich sa dalawang kapareha niya ritong sina Vin Abrenica at Martin Escudero na ayon sa kanya ay nailang siyang gawin yun dahil first time niyang gumawa ng ganoong eksena.

[divider]

Mika dela Cruz to be paired with Paul Salas

B_vfr0PU0AAn4LXKasama si Mika dela Cruz sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na ‘Will Never Say Goodbye.’ Gaganap siya rito bilang si Jennifer, isang boyish na lumaki sa isang slum area sa Navotas and eventually ay mai-inlove kay Ken, played by Paul Salas.
Si Paul na ang magiging ka-loveteam ni Mika. First time ni Mika na magkaroon ng ka-loveteam. Sa tingin namin ay magki-click ang kanilang tambalan. Bagay naman kasi silang dalawa, sa totoo lang.

Leave a comment

Leave a Reply