
De La Salle shoots down Mapua for fifth straight win in Filoil pre-season cup
By Justin Pisueña
Limang sunud-sunod na panalo para sa De La Salle nung natalo nila ang Mapua, 96-86 sa Filoil Flying V Hanes Pre-season Premier Cup noong Huwebes ng gabi sa the Arena sa San Juan.
Ang coach ng Green Archers na si Juno Sauler ay hindi kuntento sa mga ipinakita ng kanya manlalaro dahil muntik ng maabutan ng Cardinals ang puntos nila sa huli.
14-points ang lamang ng La Salle sa kalagitnaan ng 4th Quarter, 91-77, ngunit naibaba ng Cardinals ang lamang sa 9-points nang mag-lay up si Josan Nimes noong isang minuto na lang ang natitira, 84-93.
“We can’t give up those points, we won’t be satisfied with this defense. We should limit teams on that number,” ani Juno Sauler sa kanyang koponan.
Tinambakan ng La Salle ang Mapua sa third quarter. Itinuring ni Juno Sauler na ‘offensive achievement’ iyon, habang Itinuring niyang ‘defensive effort’ ang nangyari kaya natambakan nila ang Mapua.
Ang rookie na si Andrei Caracut ay nakapagtala ng 11 points, 6 rebounds, 6 assist para sa koponan ng La Salle Green Archers. Si Prince Rivero naman ay naka-22 points and 13 rebounds habang si Thomas Torres ay naka-21 points at limang assist.
Nimes led Mapua 1-5 na may game-high na 28-points habang si Allwell Oraeme ay may 11 points at 19 rebounds.
SCORES:
DLSU (96) — Rivero 22, Torres 21, Teng 14, Caracut 11, Navarro 9, Tratter 8, Perkins 6, Go 2, Van Opstal 2, Pascual 1, Gob 0.
Mapua (86) — Nimes 28, Oraeme 11, Dela Rosa 10, Isit 8, Serrano 8, Biteng 7, Raflores 6, Nieles 5, Que 3, Layug 0.