May 23, 2025
Award winning actress Angeli Bayani competes against Nora Aunor in Gawad Urian for the second time
Faces and Places Latest Articles

Award winning actress Angeli Bayani competes against Nora Aunor in Gawad Urian for the second time

May 28, 2015

arseni@liao
By Arsenio “Archie” Liao

awardee-070314Muli na namang magkakatunggali sina Angeli Bayani at ang Superstar na si Nora Aunor sa Gawad Urian ngayong taon para sa best actress race. Si Angeli ay nominated sa ‘Bwaya’ ni Francis Xavier Pasion samantalang si Nora ay nominado naman para sa kanyang performance sa horror-thriller na ‘Dementia’ ni Perci Intalan na kamakailan lang ay nagpanalo sa kanya ng ‘Best Actress in a foreign language film award’ sa naturang pelikula sa St. Tropez Film Festival sa France.

Noong isang taon, tinalo ni Angeli ang tinaguriang ‘national treasure’ [Nora] para sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap bilang martir na asawa ng isang inosenteng lalaking napagbintangan sa isang kasalanang hindi nito ginawa para sa pelikulang ‘Norte: Hangganan ng Kasaysayan’ ni Lav Diaz.

Hindi ini-expect ni Angeli ang pagkapanalo niya noong 2014. Sa katunayan nga, hindi siya noon makapaniwala na siya ang tinanghal na nanalo dahil bukod kay Nora (Ang Kwento ni Mabuti), nakalaban rin niya sa kategoryang iyon ang tinaguriang ‘Star for all Seasons’ na si Vilma Santos (Ekstra). Pawang beterano at dekalibre ang kanyang mga nakatunggali sa nasabing award-giving body.

Ayon pa sa kanya, pagkatapos ng awards night, natakot rin siya na awayin ng mga diehard Noranians at Vilmanians sa kanyang pagkapanalong iyon. Pero salungat sa kanyang inaasahan, wala namang nagbanta sa kanya o nag-bash sa kanya sa social media na ang ibig sabihin ay aprubado rin sa fans ng dalawang kampo ang kanyang pagkapanalo.

Ano ang nararamdaman mo ngayong magsasabong muli kayo sa awards derby para sa best actress category sa Gawad Urian ni Ate Guy?

“Naroon pa rin ang kaba pero hindi na ganoon ka-intense. Nabawasan na kasi siya dahil ngayon si Ate Guy lang iyong makakalaban ko dahil wala namang nagawang movie si Ate Vi last year, although napakagaling rin lahat ng mga co-nominees ko,” bungad sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ni Angeli.

Ayon pa kay Angeli, tanggap niya kung mananalo ang Superstar dahil isa ito sa mga idolo niya pagdating sa acting. Dagdag pa niya, deserving itong manalo dahil bukod sa panahon ni Nora Aunor ngayong taon kung saan sunud-sunod ang mga parangal at tropeo na inaani nito sa iba’t-ibang award giving bodies here and abroad, puring-puri niya ang di-mapapantayang galing nito sa pag-arte.

Tungkol naman sa puna ng ibang kritiko at manonood sa kanyang slightly ‘hysterical performance’ sa ‘Bwaya,’ sinabi ni Angeli na naging faithful lang siya sa hinihingi ng karakter sa eksenang kanyang ginampanan na emosyonal ang naging reaksyon nang mag-break down ito nang matagpuang patay ang kanyang anak na naging biktima ng pag-atake ng buwaya sa ilog ng Agusan.

Nasa cast din si Angeli ng isang international movie na ‘Beast’ na idinirehe ng McKeith Brothers.

Malalaman ang resulta ng Gawad Urian sa Hunyo 16.

Leave a comment

Leave a Reply