
Mayweather vs. Pacquiao: Coach Freddie Roach still not over it
by Justin Pisueña
Makalipas ang ilang Linggo matapos maganap ang tinaguriang ‘fight of the century,’ ang naging laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather na naganap sa MGM Grand Arena, hindi parin matahimik si coach Freddie Roach tungkol sa pagkatalo ng kanyang estudyanteng si Pacquiao.
Sinabi ni Roach sa ilang naging panayam sa kanya na halos lahat ng tao na nakasalamuha niya ay sinasabing natalo ang kanyang alagang si Manny Pacquiao dahil sa ito ay dinaya o nadaya.
“Most of the people and the fans told me we got robbed, then the next day at the airport, 99 percent of the people told me that we won the fight,” ani ni Roach.
Natalo si Pacquiao kay Mayweather via unanimous decision at kinailangan niyang i-surrender ang kanyang WBO Welterweight title bilang the undefeated American unified sa kanyang WBC at sa WBA Welterweight Championship.
Inilagan at niyakap ni Mayweather si Pacquiao na may injury sa kanang balikat noong laban nila sa MGM Grand Arena noong Mayo 2.
“I thought he could have thrown more flurries like we had planned to. I think he was working very well. We were out-punching Mayweather. The thing is, Mayweather did run a lot,” sabi ni Roach.
Aminado si Roach na hindi pa niya pinapanood ulit ang laban kaya’t hindi pa niya ito ma-evaluate ng buo. Pero sapat na sa kanya na sa mata ng maraming tao’y si Pacquaio pa rin ang itinuturing na “People’s champ.”