May 24, 2025
Jasmine Curtis-Smith mum on alleged snubbing incident with ex-boyfriend Sam Concepcion
Latest Articles

Jasmine Curtis-Smith mum on alleged snubbing incident with ex-boyfriend Sam Concepcion

May 30, 2015

by PSR News Bureau

Hindi napilit ng press ang Kapatid actress na si Jasmine Curtis-Smith upang magsalita ukol sa napabalitang insidente kung saan hindi umano siya pinansin ng ex-boyfriend niyang si Sam Concepcion. Ayon sa mga naunang reports, napaiyak umano ang aktres nang makita niyang muli si Sam sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig ilang Linggo pa lang ang nakakaraan.

Jasmin and SamJasmin and Sam

Nang hingan ng reaksiyon si Jasmine ng Philippine Showbiz Republic (PSR), heto ang kanyang sinabi: “I don’t think there needs to be a reaction. Everything’s in the past now. I no longer want to dwell on that. What I’d want to talk about are happy things.”

Iniwasan din ni Jasmine sagutin ang tanong kung may komunikasyon pa sila ni Sam. Ayaw rin niyang pag-usapan ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. “Let’s just put it this way, it’s like rubbing salt into my wounds eh. The longer we talk about these things, the longer people would think I haven’t gotten over him or like there’s a grudge. I don’t think there’s a reason for us to talk about him pa.”

“I also think it’s better now to just restrict whatever happened between me and my ex, because what we’ve had was a very private relationship,” dagdag pa niya.

Matatandaang napabalitang hindi naging pabor ang sister ni Jasmine na si Anne kay Sam para maging nobyo ng nakababatang kapatid. Anne frowned upon Sam because the actor failed to cultivate relationships with the Curtis-Smiths.

Pero mariing pinabulaanan ni Jasmine na may kinalaman ang kanyang ‘ate’ sa paghihiwalay nila ng dating nobyo. Aniya, inirerespeto ng kapatid niya ang kanyang mga desisyon sa buhay at bagamat nagbibigay ito ng mga advices sa kanya bilang kapatid, pero naniniwala ang Kapatid actress na gusto lang siyang protektahan nito. “But at the end of the day, ako pa rin ang may last word sa buhay ko. Hindi pinanghihimasukan ng ate ko ang buhay ko.”

Matapos ang kanyang naging relasyon kay Sam, madalas makita si Jasmine kasama ang kanyang ‘Ate’ sa kanilang sisterly-bonding sa mga out of town trips at travels abroad. Ito marahil ang paraan ng kanyang kapatid upang maaliw at makalimot si Jasmine sa sinapit ng kanyang bigong pakikipagrelasyon.

Leave a comment

Leave a Reply