May 24, 2025

arseni@liao
By Arsenio “Archie” Liao

Para kay Steven Silva, napakalaki ng utang na loob niya sa GMA 7 dahil ito ang nagbukas sa kanya ng pinto para makamit niya ang inaasam na stardom via the artista reality search show na ‘Starstruck’ kung saan siya ang tinanghal na ‘Ultimate Male Survivor.’

Photo-17

Bagamat nakapagbida na siya sa ilang shows at TV series ng GMA-7, higit na napapansin ang kanyang galing sa teatro. Sa katunayan, ang pagbra-branch out niya into theatre ang itinuturing niyang isa sa mga wisest decisions na nagawa niya sa kanyang career. Kung noon ay hindi siya ganoon ka-fluent sa pagta-Tagalog, ngayon ay napakalaki na ng kanyang naging improvement.
Kung ikukumpara sa kanyang mga ka-kontemporaryo, mas may competitive edge siya ngayon sa ilang Kapuso stars dahil masasabing isa na siyang successful crossover artist. Nag-level up na rin ang kanyang pananagalog hindi katulad noong nagsisimula pa lang siya sa Starstruck.

Nagbigay din ng oportunidad kay Steven ang teatro upang mapansin siya ng GMA Artist Center na noon ay hindi pa nakikita ang potensyal niya sa musicals. Masaya si Steven sa mga pagbabagong nangyayari sa kanyang karera. Hindi pa man nakakapag-renew si Steven ng kontrata sa GMA, hopeful naman siya na given the chance, kaya naman niyang mag-excel sa acting saan man siyang network mapunta.

Ano ang meron sa theater na hindi mo pa nararanasan sa telebisyon at sa pelikula?

“In theater kasi I get to play roles na hindi ko nagagampanan pa sa telebisyon at pelikula. Dito (theater), kailangang isapuso mo ang pag-i-internalize ng karakter mo. Sa stage, there’s no room for errors. Hindi ka puwedeng mag-buckle sa delivery ng lines mo o makalimutan ang mga linya mo. Dapat laging may presence of mind ka at maging comfortable even with tongue twisters,” paglalahad ni Steven sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Para kay Steven, malaki rin ang naitulong ng disiplina niya sa teatro sa kanyang paglabas sa ‘Wattpad series’ ng TV5.

“Yung self-confidence ko, na-boost. Kung noon, hindi ako kumportable sa mga rom-coms o kilig serye, ngayon nakakapag-adjust na ako. Ready na ako to tackle more,” ayon na rin mismo kay Steven.

Muling mapapanood si Steven sa ‘Wattpad Presents: Maid for Korean Boys’ kasama ang Reyna ng Wattpad na si Eula Caballero sa TV 5. Una silang nagsama noon sa ‘Wattpad Presents: Lady in Disguise.’

MFKB-875x480-2

Proud ding ibinalita ni Steven na may rerun ang highly acclaimed musical na ‘La Cage aux Folles’ ngayong Agosto kung saan kasama siya sa mga bituin dito. Papel ni Jean-Michel, anak ni Georges from a short-lived affair na magbibigay ng kumplikasyon sa relasyon ng gay couple na sina Georges (Michael de Mesa) at Albin/Zazsa (Audie Gemora) ang binibigyang buhay ni Steven sa ‘La Cage aux Folles’ kung saan kapareha niya si Missy Macuja, anak naman ng prima ballerina na si Lisa Elizalde-Macuja.

Ang ‘La Cage aux Folles’ ay mula sa produksyon ng 9 Works Theatrical ay mapapanood sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza sa Makati.

Leave a comment

Leave a Reply