May 24, 2025
Why Gabbi Garcia wants to emulate Ai Ai Delas Alas?
Latest Articles T.V.

Why Gabbi Garcia wants to emulate Ai Ai Delas Alas?

Jun 2, 2015

By PSR News Bureau

Lumaki ang Kapuso teen star na si Gabbi Garcia na pinapanood ang mga pelikula at palabas sa telebisyon ng Philippine Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas. Kung ikaw si Gabbi, anong mararamdaman mo kung ang dati rati’y pinapanood mo lang ngayon ay nakakasama mo na sa trabaho? Napaka-overwhelming ng ganitong klaseng karanasan para sa isang ordinaryong tao. Mismong si Gabbi ay hindi agad makapaniwala na nakakausap na niya ng malapitan at kasama na niya sa trabaho si Ai Ai. Nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) si Gabbi, aminado itong kinakabahan siya noong unang nalaman niya na makakasama niya ito sa GMA primetime show na ‘Let The Love Begin.’

3

“Naranasan ko yung tipong ‘pinch-yourself’ moments. Yung kailangan kong kurutin yung sarili ko, para malaman kong totoo yung mga nararanasan ko. I grew up watching Ms. Ai Ai’s films and it’s such a privilege to be working with her now,” sabi ni Gabbi. “Ang suwerte ko na makasama ko siya [Ai Ai] sa isang malaking proyektong ito [‘Let The Love Begin’] na ipinagkatiwala sa amin. I’m so grateful to GMA for giving me the chance na hindi lang basta makapagbida kung hindi makasama ang mga premyadong artista gaya ni Ms. Ai Ai,” dagdag pa ni Gabbi.

Ai Concert3“Akala ko noong una, mataray si Ms. Ai Ai. Kasi bankable star na siya, box office queen at saka Philippine Comedy Queen pa,” bulalas ng 16-year-old na Kapuso artist. “Pero bago pa kami nagsimulang mag-taping, I was surprised kasi there was this one time nang kausapin niya ako at may ibinigay siyang gift sa akin. I mean, hello! Coming from someone as big star as Ms. Ai Ai, I will treasure it for life!”

Ayon pa kay Gabbi, may isang bagay na talagang tumatak sa kanya sa pagkakaroon ng chance na makatrabaho si Ai Ai. “I would want to emulate Ms. Ai Ai’s attitude towards her fans and her relationship with co-stars, staff and crew of the show. Iba siyang makitungo sa mga tao,” paglalahad pa ni Gabbi na mababanaag ang malaking paghanga sa Philippine Comedy Queen.

For someone who has started working as an apparel model when she was four or five, Gabbi has worked with different showbiz personalities before she was given this big break. “Sa mundo ng showbiz, bibihira lang po yung totoong tao. And I’d have to say, Ms. Ai Ai is one of those very few. Gusto ko po siyang tularan particularly with the way she treats people. She treats everyone with fairness, kindness and compassion. I have nothing against other artists, pero si Ms. Ai Ai po talaga yung nakitaan ko nung ganun. Sa kabila ng natamo niyang kasikatan, it’s nice to know na very reachable and approachable pa rin po siya [Ai Ai].”

Gabbi had noticed that not all celebrities are like that. Yung iba nga’y ‘nalulunod na agad sa isang basong tubig.’ Hindi pa man maituturing na sikat ay maagang lumalaki na ang kanilang ulo sa kaunting popularidad na kanilang tinatamasa. “That’s what I love most about Ms. Ai Ai, yung kababaan ng kanyang loob. Her feet are planted firmly on the ground. Yun yung gusto kong gayahin,” ani Gabbi.

“I’m happy to be part of the ‘Let The Love Begin’ family. Hindi rin madamot si Ms. Ai Ai Delas Alas sa pagbibigay ng acting tips at advices sa aming mga baguhan. According to her [Ai Ai], she was once like us [newbie], and during her time, yung mga showbiz veterans whom she has worked with would also do the same thing to her. ‘It’s all about paying it forward,’ sabi ni Ms. Ai Ai. And one more thing, she would also allow us to ‘shine’ sa mga eksena. Kaya naman, kami ni Ruru [Madrid], ginagawa namin yung best namin sa bawa’t eksena para hindi naman kami mapahiya.”

1

Leave a comment

Leave a Reply