May 23, 2025
It’s confirmed! Kim Rodriguez and Kiko Estrada are officially a couple
Latest Articles This is it!

It’s confirmed! Kim Rodriguez and Kiko Estrada are officially a couple

Jun 3, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

It’s confirmed! Kim Rodriguez and Kiko Estrada are officially a couple

B84cGKACAAAclBMAng sabi nina Kim Rodriguez at Kiko Estrada ay magkaibigan pa lang sila at hindi pa mag-on. Nanliligaw pa lang daw si Kiko kay Kim at willing siyang maghintay kung kailan siya nito sasagutin. Hindi yun totoo. Ang totoo ay mag-on na sila, Ang tawagan nga nila ay ‘Mahal’. Narinig namin yun mula mismo kay Kim nung tawagin niya si Kiko. Nakasama kasi namin ang dalawa nang dumalo kami ng birthday party ng aming common friend na si Arlene. Tawa nga ng tawa si Kim nung niloloko namin siya na ‘mahal’ ang tawagan nila ni Kiko.

Ewan ba namin dito kina Kiko at Kim kung bakit kailangang i-deny pa nila ang relasyon nila. Hindi naman makakaapekto sa career nila kung aamin sila, di ba? Sila naman kasi ang magka-loveteam? Makakaapekto yun sa kanila kung sa iba sila itinatambal.

[divider]

Mariel shrugs off her bashers

MarielTinawag na “plastic” si Mariel Rodriguez ng ilang bashers at haters niya sa social media. Ito’y pagkatapos niyang sabihin na masaya siya para sa dating kaibigang si Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano dahil malapit nang ikasal ang mga ito.

Hindi naniniwala ang bashers ni Mariel na sincere siya sa sinabi niyang ito. Pero hindi apektado ang misis ni Robin Padilla, aniya natuto na raw siya na huwag na lang pansinin ang basher at haters niya sa social media dahil alam niyang walang mangyayari kapag pinatulan niya ang mga negative comments ng mga ito sa kanya.

Sabagay, tama nga naman si Mariel, di ba?

Leave a comment

Leave a Reply