
Who could replace Sepp Blatter as FIFA President?
by Justin Pisueña
Noong nakaraang Martes, June 2 ay nagulat ang mundo ng soccer nang idineklara ni Sepp Blatter na siya ay magreretiro bilang presidente ng FIFA pagkalipas ng apat na araw mula ng manalo siya sa election. Siya ay nasangkot sa isang corruption scandal. Ngunit ang 79-years-old na Swiss ay hindi aalis agad-agad habang siya ay wala pang kapalit. Ang pagpapalit ng presidente ay maaari lang maganap mula Disyembre hanggang Marso ng taong 2016.
Ibig sabihin meron pang ilang buwan para masuri kung sino ba talaga ang papalit kay Blatter na humawak ng napakataas na rank sa soccer sa loob ng 17 years dahil sa tagal na panahon na si Blatter lang ang nagtatanging nakahawak nito.
Ang mga posibleng candidato na puwedeng ma-nominate na pumalit kay Blatter bilang Presidente ng FIFA para sa akin ay sina:
Michel Platini
59-years-old na kasalukuyang UEFA president at isa sa mga tumulong kay Blatter para ma-elect noon 1998. Ngunit hindi niya nilabanan si Blatter habang siya ay kasalukyang president ng FIFA. Ngayong magreretiro na si Blatter, ano kaya ang magiging decision niya?
Prince Ali Bin al-Hussein
“I am always there to serve football and I think that is the most important thing. After this, I think we have to do so much work to fix this organization in a proper way,”Prince Ali said to CNN. Siya ang pinakabatang naging Vice President ng FIFA.
Michael van Praag
Ang presidente ng Dutch Football Association at UEFA executive committee. 67-years old ito at tumakbo rin bilang presidente ngunit ito ay umatras ilang araw bago ang election.
Luis Figo
Ang 42-years-old na Portuguese Soccer great na katulad din ni Praag na tumakbo bilang presidente ngunit ito ay umatras din ilang araw bago ang election. “This process is a plebiscite for the delivery of absolute power to one man — refuse go along with.” Ngayong wala na si Blatter ay puwede na siyang tumakbo ulit sa pagka-presidente ngunit sa konti ng kaalaman niya sa pamamalakad ng soccer ay baka konti lang ang makuha niyang supporta.