May 24, 2025
Alex Gonzaga clears issue on Inday Bote’s cancellation
Home Page Slider T.V.

Alex Gonzaga clears issue on Inday Bote’s cancellation

Jun 5, 2015

by PSR News Bureau
inday bote

alex and matteo Binigyang linaw na ni Alex Gonzaga ang mga isyu kaugnay ng diumano’y maagang pagkawala sa ere ng kanyang pinagbibidahan na teleserye sa ABS-CBN na ‘Inday Bote.’ Para sa isang teleserye na nagsimulang umere noong March 16 ay kaagad na tinapos ito noong May 29. Kung susumahin, lumalabas na wala pang dalawang buwan ito na ipinalabas. Kaya’t naging isang malaking isyu ito para sa mga tagasubaybay ni Alex. Ilan sa mga lumalabas na isyu kaugnay nito ay dahil mababa daw ang ratings nito kaya daw nagdesisyon na ang management na kanselahin ang show na ito. Agad pinabulaanan ni Alex ang mga isyung nabanggit.

“Management’s decision po iyon at maging ako po ay hindi ko po alam yun,” bulalas ni Alex sa Philippine Showbiz Republic (PSR) nang mahingan ito ng reaksyon tungkol sa maagang pagkakasuspinde ng kanyang teleserye. “Okay naman po ako sa staff. Nagugulat nga po ako sa mga lumalabas na pati nga daw si Matteo [Guidicelli] at ako ay mayroon daw gap. Hindi po totoo. Hindi po naiinis sa akin si Matteo. Nakausap ko nga po siya, sabi ko, ‘Alam mo gusto ko ng i-post sa IG [Instagram] yung mga isinulat mo na sobrang okay tayo.’ Kasi even with his girlfriend, kay Sarah [Geronimo, Matteo’s girlfriend], okay kami. Natural lang na mag-asaran kami ni Matteo kasi magkaibigan kami eh. Gusto ko lang linawin na wala kaming issue,” paglilinaw pa ni Alex.

Sa isyu naman ng pagkakapalit sa kanya ni Yeng Constantino bilang host ng ‘The Voice Kids,’ aniya wala rin siyang anumang dapat ikasama ng loob ukol dito. “Masaya ako na si Yeng yung papalit sa akin sa show. Friends din kami ni Yeng, alam ko na matutuwa ang mga batang participants dahil marami sa kanila na ina-idolize siya,” sabi pa ni Alex.

“Kinailangan kong iwanan yung show [‘The Voice Kids’] kasi hindi na kayang ma-accommodate ng schedule ko. May tour kasi kami ng concert kong ‘The Unexpected Concert,’ at hindi basta-basta ang preparasyon at oras na kailangan kong igugol doon kaya wala akong choice kung hindi piliin yung once in a lifetime chance para makapag-perform,” paliwanag pa ni Alex.

Sa mga nagsasabi naman na hindi daw totoong napuno ni Alex ang Smart Araneta noong panahon ng concert niya at ipinamigay nga lang daw ng libre ang tickets nito para lang may manood ng concert niya, sabi ni Alex: “Mag-move on na tayong lahat. Kasi tapos naman na rin yung concert ko sa Araneta. Bakit di pa nila [bashers and detractors] magawang mag-move on. Move on, move on din pag may time! Basta wala akong kailangan pang sabihin sa kanila. Kahit ano kasing sabihin ko, it will be taken out of context or kung ano pa rin naman ang paniniwala nila, yun pa rin yun eh. Hindi ko na lang papatulan para hindi na lumaki. Basta, I am blessed to be given the chance to perform at the Araneta. Sa akin, sapat na yun.”

Leave a comment

Leave a Reply