May 23, 2025
Kyrie Irving’s injury casts a pall over the NBA Finals
Latest Articles Rest Of the World Sports

Kyrie Irving’s injury casts a pall over the NBA Finals

Jun 8, 2015

By Justin Pisuena

Ang 23-year-old na point-guard ng Clevaland Cavaliers na si Kyrie Irving ay hindi na makakapaglaro sa buong finals kung saan makakalaban nila ang Golden State Warriors.

Nag-collapse si Irving noong nag-drive siya sa basket nang 2 minuto ang natitira para sa Cavs 108-100 overtime (OT). Talo sa Golden State Warriors sa game 1 ng NBA Finals sa home court ng GSW noong nakaraang Huwebes ng gabi. Hawak-hawak ang kanyang kaliwang tuhod, si Irving ay inalalayan palabas ng court.

https://www.youtube.com/watch?v=KqI9D8DZULw

“I want to thank everyone for the well wishes. Saddened by the way I had to go out but it doesn’t take away from being apart of a special playoff run with my brothers. It truly means a lot, thanks for all the support and love. I gave everything I had and have no regrets. I love this game no matter what and I’ll be back soon. To my brother: You already know what the deal is.” Ito ang post ni Irving sa kanyang Instagram account matapos ang nasabing insidente.

Tiningnan ng mga medical staff ng Cavs’ ang injury ni Irving at nakita na wala naman itong tama sa kanyang anterior cruciate ligament (ACL), ngunit nang ma-examine ulit ito noong biyernes gamit ang MRI scan ay dito nakita ang tama nito.

“I’m not too much worried about the game. I’m excited to be in this moment once again, and I’m going to stay strong for my team, no matter who is or is not in the lineup.” sabi ni Lebron James ng Cavs’.

Malaki ang magiging impact nito sa Cavs’ ngayon na wala ang isa sa magaling na manlalaro nila na si Irving ngunit huwag natin kakalimutan na nandiyan pa naman si Lebron James na three-time MVP.

Leave a comment

Leave a Reply