
Arnell Ignacio proposes to new protégé and boyfriend Ken El Psalmer
By PSR News Bureau
Maaring ikagulat ito ng ilan sa mga conventional nating mga kababayan. Pero walang pakielam ang comedian at talent manager na si Arnell Ignacio sapagkat ito ang itinitibok ng kanyang puso. Nag-propose na nga noong Miyerkules, June 3 si Arnell sa kanyang boyfriend at new protégé singer na si Ken El Psalmer, 28. Naganap ang kontrobersiyal na proposal sa Manila Diamond Hotel. Ayon sa impormante ng Philippine Showbiz Republic (PSR), teary-eyed daw itong si Ken matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Arnell sa kanya at di alintana nito ang pagba-buckle ng komedyanteng talent-manager sa nerbiyos.
Sabi ni Arnell kay Ken: “I have seen the rainbow for so many times…But I only realized that rainbows have colors when I met you. I immeasurably love you, Ken Psalmer!”
Ayon sa mga naka-witness ng nasabing proposal, gusto pa nga daw sanang lumuhod ni Arnell sa harapan ni Ken upang maisuot dito ang engagement ring sa daliri ng binata, subalit pinigilan siya nito. Nagyakapan ang dalawa at naghalikan sa labi sa isa’t-isa. Gaya ng inaasahan, nasaksihan ito maging ng staff at crew ng hotel kasama ang ilan sa kanilang common friends at kinilig silang lahat sa kanilang nasaksihan.
Matapos nga nito ay nag-post si Arnell sa kanyang Facebook account ng madamdaming mensahe para sa kanyang fiancé na si Ken: “At this age when it is most noble to share your life’s chronicles to your fascinated ‘audience.’ At twist of fate puts you in the middle of going through it all again…as if unfinished remnants of unlearned lessons need to be reviewed. And as fear sets you suddenly discover you are in love…Once more. And hopefully and beautifully on the last station of your heart…”
Hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ang kaligayahan para kina Arnell at Ken!