May 24, 2025
Maegan Aguilar reconciles with father Freddie
Home Page Slider Latest Articles

Maegan Aguilar reconciles with father Freddie

Jun 8, 2015

By PSR News Bureau

Kung kami sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ang tatanungin, perfect timing ang pakikipagbati ni Maegan Aguilar sa kanyang amang icon ng Philippine music na si Freddie Aguilar dahil malapit ng mag-‘Father’s Day.’ Tuluyan na ngang tinukdukan ng mag-ama ang kanilang naging alitan noon. Nagyari ang kanilang pagbabati nitong June 1, Lunes, sa bahay ni Ka Freddie sa Fairview, Quezon City. Pumunta si Maegan kasama ang dalawang anak nito sa bahay ng kanyang ama. Ayon sa singer, matagal na daw niyang binabalak na makipag-ayos na sa nakaalitang ama, humahanap lamang daw siya ng tamang ‘tiyempo.’

freddie_aguilar_1433594890

Inamin ng singer na mayroon pa rin siyang kaunting ‘tampo’ sa kanyang ama ngunit kailangan daw niyang isantabi ito dahil hindi ito makakatulong sa relasyon nilang mag-ama. “I’m a solo parent. Mahirap na nawalan kami ng bahay at pamilya. Pero kaya ko naman itaguyod ang mga anak ko,” ani Maegan. “Kinukulit na ako ng mga anak ko na name-miss na daw nila ang kanilang Lolo at gusto ng mga itong makita siya [Freddie].”

Ito daw ang naging hudyat upang magpakumbaba si Maegan sa kanyang ama. Kaya’t hindi na raw siya nag-alinlangan upang humingi dito ng kapatawaran. Masaya ang Philippine Showbiz Republic (PSR) sa muling pagkakaayos ng mag-ama.

 

Leave a comment

Leave a Reply