May 23, 2025
Blind Fold

Another showbiz couple headed for splitsville?

Jun 9, 2015

By PSR News Bureau

Hindi na nagtataka ang Philippine Showbiz Republic (PSR) kung totoo nga ang alingasngas na malapit nang maghiwalay ang showbiz couple na ito. Sa umpisa pa lang ng kanilang relasyon ay madami ng tutol dito dahil na rin sa parehas silang galing sa isang relasyon bago naging sila. Kumbaga, ‘love-on-the-rebound’ ang drama nilang dalawa. Pero pinatunayan nila parehas dahil nagawa naman nilang tumagal ng tatlong taon ang kanilang pagsasama. Pero heto na nga’t bali-balitang tatlong Linggo na raw na hindi nag-uusap ang magkarelasyon.

Kung matatandaan natin, yung babae nga ay panay ang parinig nito sa kanyang social media accounts na para bagang naghihintay lang ng pagyaya mula sa nobyo at still hoping na sana’y pakasalan na siya nito. Pero deadma naman yung guy sa kanyang mga parinig. Ang nakakatakot lang dito, yung babae kasi kulang na lang wasakin niya yung huling hunk na nakarelasyon niya sa mga salitang pinakawalan niya matapos tabangan ang una sa kanya dahil sa kagaspangan ng ugali ni girl. Mas may karera kasi ang guy na involve sa ating blind item kay sa dun sa girl kaya’t siya ang siguradong mas maapektuhan kapag siniraan siya ng girl.

Heto ang clue: Nagkasundong maging ‘sila’ ng magkarelasyon na ito dahil parehas nilang kinahihiligan diumano ang pag-inom ng alak. So huwag nang magulat kung one day ay mabalitaan ninyong hiwalay na rin ang magkarelasyon na ito.

Leave a comment

Leave a Reply