May 24, 2025
Judy Ann Santos withdraws from ‘Someone To Watch Over Me’
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Judy Ann Santos withdraws from ‘Someone To Watch Over Me’

Jun 11, 2015

By PSR News Bureau

Gaya ni Marian Rivera sa kanyang dapat na teleseryeng ‘The Rich Man’s Daughter,’ nagdesisyon din si Judy Ann Santos-Agoncillo na hindi na ituloy ang kanyang ginagawang teleserye na ‘Someone To Watch Over Me’ kung saan makakatambal sana ni Judy Ann si Richard Yap sa kauna-unahang pagkakataon.

Judy-Ann-Santos-Richard-Yap-4

 

Ayon sa aktres, matagal na panahon din nilang sinubukan ng esposong si Ryan Agoncillo na magkaanak muli pagkatapos niyang isilang si Lucho. Kaya’t dahil prayoridad talaga ng aktres ang kaniyang pamilya kung kaya’t umatras na ang aktres sa nasabing teleserye. Aniya, physically taxing ang paggawa ng isang teleserye at hindi ito magiging angkop para sa dalawang buwang buntis kagaya niya.

Bilang isang ina, nais ni Judy Ann na mabigyan niya ng sapat na lakas at pag-aalaga ang kanyang anak na nasa sinapupunan niya. Isa itong biyaya sa mag-asawang Agoncillo. Hangad ni Judy Ann na maintindihan siya ng kanyang mga tagasubaybay gayundin ng pamunuan ng ABS-CBN. As of press time, wala pang opisyal na statement ang ABS-CBN tungkol sa usaping ito.

Leave a comment

Leave a Reply