
On his directorial debut: Carlos Morales says he was intimidated by veteran actors
Masaya ang aktor na si Carlos Morales dahil ang directorial debut niyang “Piring” ay napabilang sa eight selected films to vie in the Filipino New Cinema section of the World Premiere Film festival (WPFF) 2015. Organized by the Film Development Council Of The Philippines (FDCP), it will take place from June 25 to July 7, 2015.
Bida sa pelikula niyang ito si Yussef Estevez kasama sina Krista Miller, Tessie Tomas, Bembol Rocco, Rocky Salumbides, Biboy Ramirez, at Teri Onor.
“Story ito ng isang hardworking gym instructor na at the same time ay isang graduating college student,” bungad na kuwento ni Carlos hinggil sa pelikula niya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
“Tapos ang tinuturuan niya sa gym niya, si Bembol Rocco na school president doon sa college na pinapasukan niya. And may mga principles siya sa buhay na kumbaga, hindi lahat nabibili ng pera, e. Gano’n siya. Although ‘yung family niya is disfunctional dahil ‘yung nanay niya played by Tessie Tomas used to be a prostitute.”
“Tapos si Krista Miller naman ‘yung ibinubugaw ni Tessie. So gano’n ka-disfunctional ‘yung family niya pero gusto pa rin niyang maayos sa pamamagitan ng pagtatapos niya ng pag-aaral.”
Drama raw ang tema ng pelikula na nagpapakita sa reyalidad kung paano tratuhin sa lipunan ang mga walang pera. May konting sexy scenes din daw na kinailangan sa istorya.
“Pero sa kabuuan, dark talaga ‘yung movie. Hindi siya feel good movie dahil paglabas mo, masakit talaga siya sa loob.
Gaano katindi ang mga sexy scenes? May nudity ba?
“Abangan n’yo na lang!” sabay ngiti ni Carlos.
“Basta maayos siya,” pagtukoy niya sa mga sexy scenes sa kanyang pelikula.
Paano ba siya nakapag-shift from acting to directing?
“Eversince naman, e. Noong start pa lang na nag-aartista ako, talagang fascinated na ako sa pagdidirek, e. So pinag-aaralan ko ‘yong style ng bawat directors. So ina-apply ko iyon sa pagiging director ko.”
Ano ang feeling noong unang araw ng shooting niya bilang direktor?
“Hindi ako nakatulog kaya the night before our first shooting day!” tawa ni Carlos.
“Kasi iisipin mo ‘yung mga… ia-anticipate mo kung ano ‘yung maaaring mangyari doon. Kung ano ‘yong mga shots mo para kumbaga maging mas mabilis ‘yung flow ng pagdidirek at pagsu-shoot mo. Tapos madalas ay hindi na ako nakakakain. Nakakalimutan ko nang kumain talaga. Oo! Kasi from one scene to another, gusto mo kaagad na mapag-isipan kung ano ‘yong gagawin mo na ‘yong mga shots na hindi normal na ginagawa. Mahirap iyon.”
E ‘yong pagdidirek sa mga beterano nang artista gaya nina Tessie Tomas at Bembol Rocco?
“Ay, mas mahirap!” nangiti ulit si Carlos. “Kasi parang mas maiilang ka, e. Na siyempre, mas magagaling na ‘yon, e. Mas matatagal na iyon. Mga veterans na iyon, e. Pero naging supportive naman sila. Tapos pinabayaan nila akong gawin ‘yong gusto ko. Basta ii-instruct ko lang. At bilang mga beterano. Alam na nila ‘yong mga homework nila. So wala akong naging problem sa kanila.”
Gaano katagal bago siya naging komportable na bilang direktor sa panahong sinu-shoot nila ang “Piring”?
“Siguro mga two or three days. Okay na.
“Pero talagang itiniming ko na noong first shooting day namin, hindi muna mga beteranong artista. Para maging at ease ako sa set. Pero iba pa in ang feeling kapag nando’n na ‘yung mga veteran stars, e.”
Unang pelikula pa lang niya ang “Piring” pero kaagad ay magko-compete ito sa Filipino New Cinema Section ng World Premieres International Film Festival.
“Ako honestly, ‘yung makapasok lang dito… it’s an achievement already for me, e. And itong pelikula ko, satisfied naman ako sa kinalabasan. Talagang ibinigay ko naman lahat. So kung anuman ang mangyari, happy ako. Kasi ibinigay ko yung best ko.”