May 24, 2025
Sancho Delas Alas lives up to Mom Ai Ai’s expectations
Faces and Places Latest Articles Uncategorized

Sancho Delas Alas lives up to Mom Ai Ai’s expectations

Jun 11, 2015

By PSR News Bureau

Sancho and Ai embraceMarahil akala ng iba ay madali lamang para kay Sancho Vito Delas Alas ang pumasok sa mundo ng showbiz. Bilang anak nga naman ng tinaguriang Philippine Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas, iniisip ng iba sa dami ng koneksiyon nito sa larangang nais niyang pasukin, hindi na ito mahihirapan pa. Pero iyan ay isang maling kuru-kuro. Bagamat mas pinili ni Sancho na maging manager na rin nito ang kanyang ina, hindi totoong naging madali ang lahat para sa binata. Things didn’t come easily for him. Sancho had to pay dearly to prove that he deserves a spot in local showbiz.

Tunay na hindi nga maiiwasan ni Sancho na sundan ang yapak ng kanyang ina dahil nananalaytay sa kanya ang husay nito sa pag-arte at malamang maging ang sense of humor ni Ms. Ai Ai. Bilang isang mommy-manager, siyempre pa, hindi hahayaan ng Philippine Comedy Queen na basta na lamang sasabak ang anak sa mundo ng showbiz. Sancho had to prepare himself for all the intricacies of showbusiness and that also includes harnessing his God-given talents. “My mom made sure that I was mentally, physically and emotionally prepared for this [showbiz]. Alam ko naman kung ano itong pinapasok ko. I had taken workshops and lessons on acting and dancing prior to actual working,” paglalahad ni Sancho ng makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

Ayon pa kay Sancho, matagal na panahon na daw niyang kinukulit ang Mama [Ai Ai] niya upang payagan siyang mag-showbiz. Pero hindi nga kaagad pumayag ang magaling na komedyana. “Siyempre, naiintindihan ko naman si Mama kung bakit ayaw pa niya akong payagan noon. She wanted my studies to be my top priority. She inculcates the importance of a good education. Kaya nung makatapos na ako ng course sa CCA [culinary], wala na siyang pagtutol,” kuwento ni Sancho.

“May advantage at disadvantage din ang pagiging isang anak ng Philippine Comedy Queen,” bulalas ni Sancho. “Siyempre, yung apelyido ko, kaagad may recall na. Pero kaakibat nito yung responsibilidad na dapat mapangalagaan ko yun. At saka kailangan kong patunayan na kaya kong makilala sa sarili kong paraan, yung mawala sa shadow ng achievements ni Mama. Isang malaking pressure yun na nakaatang sa mga balikat ko. At saka yung isa pang downside is pag sinabi ng mga tao na, ‘kaya ka lang nandiyan kasi anak ka ni Ai Ai,’” dagdag pa ng 24-years-old na binata.

Sa pagpasok pa nga lang ng binata sa showbiz, may puna na agad ang ilan sa kanya. Hindi daw puwedeng ihanay ang baguhang aktor bilang pang-matinee idol. Pero in fairness naman kay Sancho, good looking din naman ito, hindi nga lang siguro bagay sa kanya yung mga may ‘kilig’ factor na pang-loveteam na karaniwang hinahanap sa isang hunk. Pero pag sumayaw na ang anak ni Ai Ai, imposibleng hindi mo siya hangaan.

Puwede nga siyang ihanay kay Mark Herras kung galing lang din sa pagsasayaw ang pag-uusapan. Dahil pagdating sa dance floor, may kakaibang charm si Sancho na tanging kanya lamang. Ito yung para kang mama-magnet kapag pinanood mo siyang umiindak at yung tipong gusto mo na rin humataw sa sayaw. Kaya’t kung kami ang tatanungin, maliban sa pag-arte, maaari mong ilaban si Sancho sa sayawan at sigurado kaming hindi ito pahuhuli.

Ayon pa sa baguhang aktor, may mga pagkakataong natatanong siya ng mga tao kapag nalalaman nila ang trabaho ng kanyang ina. “Tinatanong nila ako, ‘Anak ka ng artista?’ Ako naman, tumatango lang tapos sumasagot ng ‘Oo.’ Pero hindi ko naiintindihan na kapag anak ka pala dapat ng isang artista, kailangan may kakaiba sa’yo na makikita nila.”

Pero para sa isang binatang namuhay bilang isang ordinaryong mamamayan, normal lang para kay Sancho ang mag-commute. Isang bagay na hindi kailanman kayang gawin ng kanyang ina. Bilang mommyger [mommy na manager], natural lang na maging protective si Ai Ai sa kanya. “Minsan si Mama, nagwo-worry para sa akin. Pero palagi ko naman sinasabi sa kanya na, ‘Ma, wala naman nakakakilala sa akin. Hindi naman alam ng mga tao na anak mo ako.’ Kaya normal lang para sa akin ang mag-stroll sa public. Hindi naman ako kasingsikat ng Mama ko,” natatawang sabi ni Sancho.

Masaya din ang binata dahil isa sa kanyang mga pangarap ay nabigyan na ng katuparan. “It’s my dream to be able to work with my mom. And I am blessed na pinagbigyan ako agad ng GMA na makasama ko siya dito sa ‘Let The Love Begin.’”

Aiai and Sancho2

How is his mom as a manager?

“Sobrang grateful ako kay Mama kasi napaka-hands on niya sa akin at saka sobrang supportive din siya. Isa din siya sa nag-push sa akin to try showbiz since my dad is also an actor. Nakakatuwa nga kasi pag may kailangan ako, text or tawag lang sa kanya, andiyan siya palagi for me. She would always be there to guide me.”

Sancho also feels right at home sa set ng ‘Let The Love Begin,’ ang kanyang kauna-unahang proyekto sa GMA-7 kung saan kabituin niya ang kanyang ina. He also had no qualms about playing a janitor in the said teleserye. “Sabi nga nila, ‘there is no small role for an actor.’ I’m more than happy to be given this chance to work with my mom on my first project.”

“At first may konting kaba din. But after a while, kumbaga relaxed na ako. Siguro nasanay na kasi ako because I practically grew up accompanying my mom during her shows and tapings. So doing this [teleserye] is not something new to me.”

Mother and son are really very close. “We’re very open with each other and we know each other from head to toe. Kahit di pa kami magsalita. Just by looking at each other, we knew exactly what we’re thinking. Wala na akong maitatago pa sa kanya at ganun din siya sa aming magkakapatid.”

Inusisa din namin kay Sancho kung boto ba siya sa boyfriend ng Mama niya?

“Parang barkada ko yung boyfriend ni Mama. Ang usapan namin ni Mama dati pa, ‘Kahit sino pa iyan, kahit ano pa iyan, as long as masaya ka, go lang. Susuportahan ka namin.’ Pero pag hindi na siya masaya, that’s the only time we’ll enter the picture. Basta as long as happy si Mama, susuportahan ko siya. So far, nakikita ko na masaya si Mama. I think she deserves it,” pagtatapos pa ni Sancho.

Marespeto, magalang at may PR. Sancho Vito Delas Alas may not ring a bell yet. But pretty soon his name might just be a household word for everyone. Hindi kami magtataka kung isang araw, makikita naming sobrang magiging isang proud mommyger si Ai Ai Delas Alas sa kanyang panganay. Sancho’s out to prove his mark in local showbiz. And with his talent, drive, charm and energy, we’re sure he’ll make it to the top.

Leave a comment

Leave a Reply