May 25, 2025
Guess who will be paired anew with Julie Ann San Jose?
Latest Articles T.V.

Guess who will be paired anew with Julie Ann San Jose?

Jun 15, 2015

oghie@ignacio
By Oghie L. Ignacio

hqdefault (2)Si Julie Ann San Jose ang masasabing versatile sa hanay ng mga young actresses ng Kapuso network dahil hindi lang pagkanta at pag-arte ang kanyang forte kung hindi magaling din pala siya bilang host ng isang showbiz talk show kung mabibigyan siya ng malaking break. Kitang-kita kasi sa “Chika Minute” niya sa “24 ORAS” news program na may ibubuga siya bilang host kaya nabigyan niya ng justice ang pagpalit niya kay Ms. Pia Guanio.

“I’m so thankful po sa GMA for trusting me na kayak o ‘yung ginagawa ko sa ‘Chika Minute,’” mabilis na tugon sa Philippine Showbiz Republic (PSR) nitong si Julie Ann.

“But for me, I still have a lot to prove pa po. Iba pa rin siyempre si Ms. Pia. Pero salamat sa magagandang feedback regarding my hosting job sa “Chika Minute” ng “24 ORAS”. Nakakatuwa talaga,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.

Aware naman ang young actress na hindi siya maliligtas sa mga bashers o mga taong laging may bala ng paninira sa mga sikat na katulad niyang showbiz personality na ngayo’y tila nagbabago ng imahe from singing & acting, now she goes tv hosting. “Okay lang po iyon. Hindi lang naman ako ang nakakaranas na ma-bash ng bashers. Halos lahat naman yata rito sa showbiz talagang mainit sila. It’s better not to say anything na lang. If they are happy on what they are doing, pabayaan na lang natin sila. Basta ako, magpo-focus na lang ako sa aking trabaho kesa pansinin ko pa sila. Bawas stress pa,” katuwiran pa niya.

tumblr_m5fkmtdbx21qa1guvo1_1280Sa sobrang abala ngayon ni Jullie Ann sa kanyang showbiz career ay may nabanggit nga ba siyang nagsisisi siya kung bakit napasok siya sa magulong mundo na siyang dahilan para hindi niya magawa at ma-enjoy ang pagiging dalaga na dapat sana’y nagagawa niya ngayon gaya ng pangkaraniwang teenager?

“Hindi naman po,” mabilis na sambit niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR). “I have no regrets na napasok ako rito sa showbiz. Gusto ko nga ang mga nangyayari sa akin kahit na ano po…minsan may mga intriga kang mai-encounter. Kaya lang talagang ano…hindi ko nagagawa ‘yung ilang bagay gaya nung dati. Like, going out with friends, or namamasyal kasama sila. Kumbaga, medyo nalimitahan ‘yung gusto kong magawa. Pero okay lang naman sa akin,” sabi pa rin nito.

17719_894660617246703_8110310843547449174_nSi Jake Vargas ang bagong makakapareha ni Jullie Ann sa afternoon prime na “Buena Familia” ng Kapuso network kaya excited siyang makapagsimula na sila ng teyping.

“Oo nga po. At least, bagong kapartner naman ang makakasama ko. Okay naman si Jake at maganda ‘yung story ng pagsasamahan naming afternoon prime kaya very excited na po akong mag-start kami ng teyping,” huling hirit pa ng magandang young actress sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Leave a comment

Leave a Reply