May 25, 2025
“Of Sinner Or Saint” marks Polo Ravales’ comeback vehicle
Latest Articles Movies

“Of Sinner Or Saint” marks Polo Ravales’ comeback vehicle

Jun 15, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

b6adb7e5eSagad hanggang sukdulan ang pagiging kontrabida ni Polo Ravales sa pelikula “Of Sinner Or Saint.” Ang pelikulang ito ay idinerehe ng Italian Actor na may dugong Pinoy na si Ruben Maria Soriquez na siyang bida rin dito.

Ito ay isa sa eight selected films na maglalaban-laban sa Filipino New Cinema Section ng World Premieres Film Festival. Organized by the Film Development Council sa pakikipagtulungan ng SM Cinemas. The said festival will take place form June 24 to July 7. Ayon sa aktor ay talagang sukdulan daw ang pagiging salbahe ng kanyang character sa nasabing pelikula.

“Kakaiba ang role ko dito,” pahayag ni Polo sa Philippine Showbiz Republic (PSR). “Halos lahat ng eksena ko rito, salbahe ako. The whole movie, walanghiya akong tao. Wala man lang redeeming factor.”

Extreme opposite daw ng pagkatao niya sa totoong buhay ang kanyang character bilang isang barumbado na nananakit ng kanyang live-in partner na ginagampahan naman ng baguhang indie actress na si Channel Latorre na siyang female lead sa pelikula.

Kumpiyansa si Polo sa pagsasabing acting piece daw ang role niyang ito.
“Noong tinanggap ko ito, inilagay ko na lang sa isip ko na kapag ginawa ko ito, magiging vehicle itong film na ito para mapansin ang acting ko. Kaya kapag dumadating ako sa set… kapag nagtatrabaho ako, motivated na ako.”

Ang “Of Sinner Or Saint” ay kuwento tungkol sa isang Italian Priest na bumalik sa Pilipinas para hanapin ang babaeng naanakan nito noong panahong seminarista pa lang siya. Ginagampanan ito ng may dugong Pinoy na Italian actor-director na si Ruben Maria Soriquez na siya rin ngang director nila.

Ang Indie actress na si Channel Latorre ang gumaganap sa role ng babaeng nabuntis nga ng Italian priest habang si Polo naman ang mapang-abusong live in partner nito.

First time lang daw ni Polo na ma-handle ng isang foreign film maker na gaya ni Ruben. Pero bilib daw siya sa galing nito.
“Hindi ko talaga ini-expect na gano’n siya kahusay gumawa ng pelikula. Lalo usually kapag indie film, tipid siya, di ba? E itong “Of Sinner Or Saint,” parang mainstream! Kasi ganun ‘yung mga movie na ginawa na niya sa Italy. Tapos, hindi lang siya director, actor din siya. At natutuwa ako kasi nakita ko na inalagaan niya ng role ko, e.”

“Meron nga akong ginawang eksena na alas diyes ng umaga. Tapos ang init dahil tanghaling tapat. Pinatakbo niya ako ng 30 seconds. ‘Yung takbo talaga na habulan. Sa eksena, hinahabol ko siya [Ruben] kasi papatayin ko siya, e. Tapos maraming shot na iba’t-ibang anggulo. Nakakapagod talaga. Pero ang ganda lumabas.”

Nangiti si Polo nang mausisa namin ang estado ng kanyang lovelife ngayon.
“Okay naman. Non-showbiz ‘yung girlfriend ko. Five years na kami.”

Hindi pa ba sila nagpaplanong magpakasal?
“Minsan naiisip namin. Pero wala pa sa plano, ipon muna.”

Ano ba ang nakakapigil sa ngayon para pagplanuhan o pag-usapan na nila ang pagsi-settle down?
“Pareho kami, e. Parang hindi pa namin napi-feel na right time na. Siguro dahil nga kasi pinag-iipunan ang pagpapakasal. Hindi lang basta pinaplano.
Ang mahal magpakasal, a!” tawa pa niya.

“Kahit naman hindi engrande ang kasal, aabot pa rin ng mahal ang gagastusin mo, e. Sa reception pa lang, aabot ka na siguro ng mga 300 to 400 thousand pesos. Di ba?”

Sa palagay ba niya, kung hindi non-showbiz ang girlfriend niya, tatagal ng fours ang realsyon nila?
“Depende naman siguro iyon. And hindi ko naman choice na hindi artista ang naging girlfriend ko. Nagkataon lang.”

Sino sa mga ex niyang sina Alessandra de Rossi. Sunshine Dizon, Jean Garcia, Ara Mina, at Chynna Hortaleza, ang kumbaga ay na-maintain niya ang friendship? ‘Yun bang kahit papaano ay may communication sila o nakaka-text niya once in a while?

alex_polo_chat01

“Siguro… si Alex [Alessandra]. Pero si Ara noong tumakbo before na councilor sa Quezon City, tumulong ako sa kanya na mag-campaign, e.
Pero si Alex, nagkakausap talaga kami. Basta magkaibigan kami ni Alex,” sabay ngiti na lang na huling nasabi ni Polo.

Leave a comment

Leave a Reply