May 25, 2025
Sofia Andres admits crush on TV5’s Mark Neumann
Latest Articles

Sofia Andres admits crush on TV5’s Mark Neumann

Jun 15, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

inigo-sofia-copy Sina Sofia Andres at Inigo Pascual ang pinarangalang ‘Most Promising Loveteam’ sa katatapos na awards night ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation. Ginanap ito kagabi, Linggo, June 14, sa The Theater ng Solaire Hotel & Casino.

“Masaya siyempre once na makatanggap ka ng ganito,” sabi ng Kapamilya young actress. “Wow… Most Promising Loveteam! E sana… in the future we can be together again onscreen,” sabi ni Sofia.

Sila nga ang binigyan ng recognition bilang Most Promising Loveteam pero sa ngayon, si Inigo ay kay Julia Barretto ipinapareha. May panghihinayang ba siyang nararamdaman?

“Siyempre po, may konting panghihinayang [sa tambalan nila ni Inigo]. Siyempre po kasi parang nawala din. But we’re still hoping.”

Kumusta ang samahan nila ni Inigo sa ngayon? Meron na ba silang MU or special something?
“We’re friends! Hindi naman po mawawala ‘yun [friendship] kasi saying din eh,” sabi pa ng magandang aktres.

Bu6_hizCAAI9YAmKamakailan ay naging isyu na napagkamalan niyang Hollywood young actor ang TV 5 star na si Mark Newman.

“I just saw him sa Twitter and Instagram. I thought he was a Hollywood star. So nag-post ako… Hollywood star? ‘Yun pala, he’s a TV 5 actor. Kasi… he really looks guwapo, Cute!,” nangiting sambit ni Sofia.

Crush ba niya?

“Hindi naman sa crush. Akala ko lang talaga kasi Hollywood star so medyo nakakahiya.”

Nagkausap na ba sila ni Mark?

“Yeah. Nag-pm siya na parang… ‘sorry, hindi po ako Hollywood actor.’ So iyon,” tawa na naman niya. “It’s undeniable, he’s cute naman talaga. Pero bata pa po ako.”

Pero crush niya si Mark?

“Konti lang.”

Ano ba ang naka-attract sa kanya kay Mark Newman?

“Yung looks niya siguro. Kasi ano, hindi nakakasawa ‘yung face niya. Angelic face kasi siya.”

Hindi pa ba siya nag-i-entertain ng suitors sa ngayon?

“Kung text siguro or simple talking. Pero ‘yung date or something, hindi. Wala pa.”

Marami ang impressed kay Sofia nang lumabas siya sa katatapos lang na soap ng ABS-CBN na “Forevermore” kung saan bida ang magka-loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Nagkaroon ng issue na inalis siya pansamantala sa nabanggit na teleserye dahil nasasapawan daw niya si Liza. Kaya sa bandang ending na ng show siya ibinalik.

“Ay, hindi po totoo.”

Mas magaling daw siyang umarte kesa kay Liza. Ano ang masasabi niya?

“Iba’t-iba naman pong opinion ‘yan, e. But the real thing is iyon talaga ang ending ng part ko sa “Forevermore.’”

Ano ang next project niya?

“’Yung bagong episode po ng “Wansapanataym” with Enchong Dee, Richard Yap, Mutya and marami pa pong iba. I am also doing a movie na parang suspense with Andrei Paras and Yassi Pressman and Mommy Powkie [Pokwang].”

Leave a comment

Leave a Reply